^

PSN Opinyon

‘Naitama ang mali...’

CALVENTO FILES - Tony Calvento -
ISA NA NAMANG KASO ang natulungan ng aming programang HUSTISYA PARA SA LAHAT. Hindi na kami para magbilang ng mga kasong natulungan ng aming programa. Dahil na rin ito sa pagpupursige ng mga taong lumalapit kabilang na si Carmen Torres ng Tondo, Manila.

Inilapit niya ang kaso ng pagpaslang sa kanyang anak. Na-downgrade ang kaso sa Homicide at naging murder uli ito. Ganito ang nangyari sa kasong ito.

Ika-12 ng Oktubre 2005 bandang alas-8:20 ng umaga naganap ang insidente sa Kagitingan St., Tondo, Manila. Nakikipag-inuman noon ang suspek na si PO1 Daniel Nadurata sa kanilang bahay na katapat lamang ng bahay ng mga Torres.

Kagigising lamang noon ni Eugene nang alukin siya ng suspek na tumagay na tinanggihan naman ng una. Lumabas ng bahay ang biktima para kumain ng almusal. Dahil sa pagtanggi ng biktima nagalit ang suspek at sinasabi daw nitong walang respeto ito sa kanya.

Ilang minuto ang nakalipas natapos ang inuman sa bahay ng suspek. Paikut-ikot si PO1 Nadurata sa may kanto ng Padre Rada at Matimtiman Sts. Nakita ito ng kapatid ng biktima, si Geraldine na noon ay kinabahan na parang may masamang mangyayari.

Samantala hindi naman alam ng biktima na pinupuntirya na siya ng suspek. Kitang-kita daw ni Geraldine nang barilin ng dalawang suspek ang kapatid nito habang nakataas pa ang mga kamay nito at nagmamakaawa sa suspek.

Agad namang inireport ng pamilya Torres ang nangyaring insidente sa himpilan ng pulisya. Nakailang subpoena na ipinadala ang fiscal na may hawak ng kaso, si Prosecutor Jessica Ong subalit hindi daw dumadalo ang suspek hanggang humingi ang panig ng suspek ng sampung araw para sagutin ang akusasyon laban sa kanya na bagay na pinagbigyan naman ng fiscal.

Mariin namang pinabulaanan ng suspek ang akusasyon laban sa kanya. Sinasabi nito na self-defense lamang ang nangyari dahil inaagaw daw ng biktima ang kanyang service firearm kaya nabaril niya ang biktima.

Matapos ang preliminary investigation lumabas ang resolution. Nalungkot ang pamilya Torres nang ma-downgrade ang kaso sa Homicide kaya sila lumapit sa amin.

Hindi lamang ang CALVENTO FILES ang nagpupursige sa mga kasong inilalapit kundi sa tulong ni Secretary Raul Gonzalez at ng HUSTISYA PARA SA LAHAT ay mabilis na naaksyunan ang hinaing ng pamilya ng biktima. Nagfile sila ng Motion for Reconsideration upang muling maiakyat ang kaso sa Murder.

Laking pasasalamat ng pamilya nang lumabas ang resolution at kasong Murder ang isinampa laban sa suspek.

Para sa may mga problema patungkol sa pampamilyang usapin maaari din kayong magsadya sa aming tanggapan tuwing araw ng Huwebes. Makakasama natin si Undersecretary Ernesto Pineda ng Department of Justice upang sagutin ang mga legal na karapatan. Mayroon din tayong representative mula sa Land Registration Authority na magbibigay ng advice sa inyo para sa may mga problema sa lupa.

Para sa anumang reaksyon maaari kayong tumawag sa 6387285 o di kaya’y sa 6373965-70. Maaari din kayong magtext sa 09213263166 o 09198972854. Ang aming tanggapan ay sa 5th Floor City State Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City.

Ugaliing makinig sa aming programang "HUSTISYA PARA SA LAHAT" kasama si Department of Justice Secretary Raul Gonzalez at ang inyong lingkod Lunes hanggang Biyernes mula alas-3 hanggang alas-4 ng hapon sa DWIZ am band.
* * *
E-mail address: [email protected]

BIKTIMA

CARMEN TORRES

DAHIL

DANIEL NADURATA

DEPARTMENT OF JUSTICE

DEPARTMENT OF JUSTICE SECRETARY RAUL GONZALEZ

PARA

SUSPEK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with