Sira ba ang ngipin nyo? Maaring mapinsala ang inyong lungs
September 20, 2006 | 12:00am
DELIKADO ang may sirang mga ngipin. Dahil dito maaaring mapinsala ang inyong mga baga (lungs). Sinabi ni Dr. Noel Velasco, ang bakterya ng sirang ngipin ay napupunta sa laway na tumatagos sa lower and upper airways ng baga. Pinalalala pa ito ng allergy at environmental pollution.
Ipinapayo niya na ang lahat ay dapat magkaroon ng mahusay na dental hygiene. Importante ang pagmumumog lalo na kapag bagong-gising. Ugaliing magsipilyo matapos kumain at bago matulog. Hindi lang ang ngipin ang dapat sipilyuhin kundi maging ang dila at gilagid.
Sinabi niya na kahit sira ang ngipin dapat na ipreserve ito at gamutin sa halip na bunutin. Kontra siya sa pagbunot ng ngipin lalo na ang tinatawag na multiple extraction.
Sa mga gumagamit ng pustiso inaadvice niya na dapat na linisin ang dentures sa araw at gabi. Ipinapayo rin niya ang pagpapa-tooth implant na bukod sa hindi masakit at walang dugo ay mura at 10 minutes lang isinasagawa. Tumawag sa 9134947.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended