^

PSN Opinyon

Hindi pala pundido ang kamay na bakal ni Abarzosa

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
SERYOSO ang kampanya ni Manila Police District officer-in-charge SSupt. Danilo Abarzosa laban sa mga tinaguriang "ghost policemen" sa kanyang bakuran. Sinimulan ni Abarzosa sa pamamagitan ng roll call formation sa Plaza Miranda at Recto/Morayta na kung saan ay lantaran sa mga tao.

Ginawa lamang ni Abarzosa ang naturang head count sa kanyang kapulisan upang maipakita sa mga mamamayan na seryoso nga siya sa kanyang kampanya at upang ipakita rin sa mga tao na ang kanyang mga pulis ay walang dahilang magtago.

Walang nakalusot sa mga pulis. Sumipot sila sa formation matapos magbanta si Abarzosa na sisibakin niya ang mga pulis na hindi susunod sa direktiba o kakasuhan niya ng Absent Without Leave (AWOL). Maging ang kanilang mga hepe ay mananagot din. He-he-he!

Ipinamalas lamang ni Abarzosa na may talim pa ang kanyang kamay na bakal hindi tulad ng una kong banat na pundido na ang kanyang mga kamay dahil sa tila ningas cogon lamang ang ginawang imbestigasyon. He-he-he! At bilang patunay may kabuuang 48 pulis na ang kanyang inirekomenda ng dismissal sa National Capital Region Police Office (NCRPO) kabilang dito ang kontrobersiyal na si P/Insp. Joveth Moya este SPO4 Moya pala.

Ganyan katalim ang mga kamay ni Abarzosa bilang OIC ng MPD at sa di-malayong hinaharap natitiyak ko na maipapataw na rin ang bituin sa kanyang balikat at mapapasakamay na rin ang minimithing District Director ng Manila’s Finest. He-he-he! Gets n’yo mga suki?

Ngunit sa kabila ng pagsisikap ni Abarzosa na maia-hon ang lugmok na puri ng MPD ay tila yata sinusubukan pa rin ng ilang pulis ang kanyang bagsik. Kasi nga mga suki! Labis ang paghanga ng apat na distrito ng pulis sa Metro Manila sa kanyang mga programa bilang pagta-lima sa kautusan ni PNP Chief Oscar Calderon at NCRPO Director Reynaldo Varilla upang makumbinsi si Manila Mayor Lito Atienza na magiging ligtas ang mamamayan ng Maynila sa programang "Buhayin ang Maynila."

Tila bangungot itong aking nabalitaan na ang Caloocan police ay nanggagalaiti sa galit sa Manila’s Finest matapos na ilang beses na silang malusutan ng mga operasyong ober da bakod. Ayon kasi sa mga pulis Caloocan noong nakaraang mga buwan ay pinasok ang kanilang teritoryo na nagresulta sa pagkamatay ng ilang kabataan at pagdukot sa Chinese businessman na sa kalaunan ay napag-alamang hinuli sa droga.

At nitong nakalipas lamang na dalawang linggo ay muling nalusutan sila ng MPD sa paghuli sa dalawang miyembro ng Acytelene robbery group na pawang taga-Baguio. Ayon sa pulis-Caloocan na aking nakausap, mahigit uma-no sa dalawang kilong alahas ang nakuha ng mga pulis sa dalawang miyembro ng Acytelene group na nakilalang sina Roy Lopez at Rudy Pak- sao matapos kalawitin sa kanilang lungsod.

Ang dalawa umano ay umamin sa mga pulis Caloocan na sila ang pumasok sa isang pawnshop sa Sangandaan sa pamamagitan ng pagbutas sa pader at nabuksan ang maliit na kaha-de-yero at nakakuha ng mga alahas. Ngunit nang ito’y patakas na sa naturang lugar, nakalawit sila ng mga pulis na nagpakilalang taga-Caloocan subalit nang dalhin napag-alaman na sila pala’y nasa Maynila, he-he-he!

Abangan mga suki at ibubulgar ko ang mga pulis na sangkot. At marahil sila rin ang responsable sa pagsara ng isang jewelry shop sa Ermita matapos na kanilang hulihin ang dalawang dayuhang tsekwa na kaibigan ng isang Ivan Co.

ABARZOSA

ABSENT WITHOUT LEAVE

ACYTELENE

AYON

CALOOCAN

CHIEF OSCAR CALDERON

KANYANG

MAYNILA

PULIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with