Kawawang mga biktima na naniwala sa matatamis na salita ng mga manggagantsong recruiter. Ang ilan ay inutang o di naman kaya nagsanla ng mga ari-arian makapagbigay lang ng perang kailangan daw para makaalis. Pagkalipas ng ilang buwan ay hindi na makita ang mga taong binigyan nila ng pera.
May mga ahensiya man ng gobyerno tulad ng Philippine Overseas Employment Agency o POEA ay patuloy pa rin ang pagdami ng biktima ng illegal recruiter. Hindi sapat ang babala kung hindi naipapatupad ng tama para makaiwas ang mga Pinoy sa panloloko ng mga recruiter.
Isa pa masaklap na katotohanan may mga taong dapat nagpapatupad ng batas ay nababayaran kayat walang nangyayari sa mga nagrereklamo. Kaya patuloy ang pagbibigay ng babala ng BITAG sa publiko na maging maingat sa recruitment agency na aaplayan.
At kayo sa POEA patuloy ang pagdami ng mga biktima ng illegal recruitment siguro panahon na para kumilos kayo at gumawa ng aksyon para masolusyunan ang problemang ito.