^

PSN Opinyon

Gobyerno nilaglag ng sariling abogado

SAPOL - Jarius Bondoc -
PINAPAPALITAN ni Subic rape victim "Nicole" ang state prosecutors na in-assign sa kanya ni Justice Sec. Raul Gonzalez. Kasi, matumal umano ang pag-cross examine nila kay principal suspect US Marine Cpl. Daniel Smith. Suspetsa ni Nicole, ipinatatalo ang kaso niya.

Hindi ko huhusgahan ang mga naturang rape case prosecutors. Pero patototohanan ko na uso sa gobyerno ipatalo ng mga sariling abogado ang mga kaso. Isa itong simpleng paraan pero mahirap patunayang katiwalian.

Maraming kaso, halimbawa, ng PCGG ay natalo sa Sandiganbayan. Ito’y dahil hindi pinaghandaan o mali ang mga argumento; kung minsa’y nalilipasan ng court deadline ang government lawyers. Ang kabuuang resulta: dismissed ang kaso laban sa mga Marcoses at cronies.

Ito na naman ang nangyayari sa Piatco contract, na pinawalam-bisa ng Korte Suprema nu’ng 2003. Sa bisa ng desisyon ng Korte, dapat hiningi ng gobyerno sa Pasay regional trial court na palayasin sa NAIA complex ang Piatco. Kapag nagawa na ito, ire-reimburse na lang ng gobyerno ang mga nagasta ng Piatco sa pagtayo ng NAIA-3, pero hindi kasama ang pinangsuhol sa mga opisyales ng tatlong administrasyon.

Pero hindi, ang ginawang habla ng state lawyers ay expropriation. Ginagawa lang ang expropriation kapag nadaanan ang pribadong lupa ng public works (kalsada, pier, airport, etc.), at kailangang bayaran ang may-ari ng just compensation o makatarungang halaga. Sa kaso ng Piatco, gobyerno na mismo (Bases Conversion Development Authority) ang may-ari ng lupang kinatayuan ng NAIA-3, kaya hindi na ito puwedeng i-expropriate. Dahil mali ang kaso, nakanal ang gobyerno sa obligasyong magbayad ng just compensation. At inutos ng Pasay court nito lang na bigyan ang Piatco ng P3-bilyon down payment para sa perhuwisyong sinapit nito. Kasunod na sigurado ang utos na bayaran ang kabuuang P30 bilyong hinihingi ng Piatco miski low quality ang ginawa nitong trabaho.

Ang masaklap sa lahat, over-ganado ang mga opisyales-gobyerno na bayaran ang Piatco ng paunang P3 bilyon. Tila ba may parte sila.

BASES CONVERSION DEVELOPMENT AUTHORITY

DANIEL SMITH

JUSTICE SEC

KORTE SUPREMA

MARINE CPL

PASAY

PERO

PIATCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with