^

PSN Opinyon

‘Katayan ng aso sa Bago Bantay, QC, hulog sa BITAG!’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
Nadiskubre ng BITAG ang isang kakaibang ruta na iniikutan ng mga kumakalakal ng ipinagbabawal ng karne ng aso sa Bago Bantay, Quezon City.

Sa kalye ng Ilocos Sur kung saan patago na binebenta at binibili ng kanilang mga parokyano at nagaganap ang pagkatay sa mga asong askal.

Kahalintulad sa mga fast food chain makakabili rin ng take-out na adobong aso na niluluto at inihahanda ng mataderong ni-recruit pa ng mula sa probinsya ng Ilocos Norte.

Ibenebenta ang mga asong kinakatay ng mga tiwaling kagawad ng barangay na mula sa kanilang dog pound.

Sa unang tingin animo’y isang small time business lang, subalit sa likod nito malakihan at malawakan ang bilihan ng karneng aso.

Bunsod ito sa isang tip na ibinagay sa BITAG dahil nang minsan nawala ang kanyang aso sa kanilang lugar, nabalitaan niya na ninakaw ito at kinatay ang kanyang bantay bahay.

Di nga nagkamali ang aming tipster dahil sa isinagawang surveillance ng mga BITAG undercover amoy na amoy si bantay, kinakatay.

At upang makumpirma ng BITAG ang mga aktibidades, agad nagsagawa ang BITAG ng test buy.

Sapul ng aming concealed camera ang ginawang pagpatay at pagkatay kay bantay.

Nung Huwebes tinuldukan ng BITAG ang nagaganap na iligal na pagkakatay ng aso.

Sa pakikipagtulungan ng National Meat Inspection Service o NMIS, Philippine Society for the Prevention of Cruelty to Animals o PSPCA gayun din ng Quezon City Health Office nilusob ang target site.

Hulog sa BITAG ang matadero na si Joel Romena habang isinagawa ang kanyang pagpatay sa aso.

Sa presinto nangumpisal si Joel sa BITAG at inilutang ang pangalang Henry Reyes na kanyang amo.

Abangan ang mga susunod pang pasasabugin ng BITAG sa isyung ito.

BAGO BANTAY

BITAG

HENRY REYES

ILOCOS NORTE

ILOCOS SUR

JOEL ROMENA

NATIONAL MEAT INSPECTION SERVICE

NUNG HUWEBES

PHILIPPINE SOCIETY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with