Nang magsagawa ng imbestigasyon ang Spe cial Board of Marine Industry noong Huwebes, walang gaanong nahita ang mga imbestigador. At habang nagtuturuan ang mga kasangkot, marami naman sa mga residente ng Guimaras ang hindi malaman kung paano sila makakikita ng pagkakakitaan at nang sila ay makakain ng tatlong beses isang araw, Apat na bayan sa Guimaras ang apektado ng oil spill na naganap noong August 11.
Sa imbestigasyon ng SBMI lumabas na nagkaroon ng pagpapabaya ang kapitan ng Solar I kaya ito lumubog. Bukod sa kapitan, liable rin sa paglubog ang may-ari ng tanker, skippers, ang Petron at ilang maritime officials. Pero ayon sa SBMI, mas mabigat ang responsibilidad ng kapitan na si Norberto Aguro sapagkat nabigo siya na magawang seaworthy ang kanyang pinatatakbong tanker.
May kasalanan naman ang Petron sapagkat lumalabas na overloaded ng langis ang tanker na mariin namang pinabulaanan ng tagapagsalita ng Petron. Hindi raw overloaded ang tanker. Mahigpit daw nilang ipinatutupad ang tamang volume na ikinakarga sa tanker. Gayunman, haharapin daw ng Petron ang charges sa kanila. Magiging transparent daw sila at naniniwala namang lalabas din ang katotohanan na wala silang kasalanan.
Ang may kasalanan ay ang kapitan ng tanker na si Aguro. At ang natuklasan pa tungkol kay Aguro, qualified lamang itong mag-operate ng chemical tankers at hindi oil tankers. Marami pang sinabing kamalian si Aguro kaya lumubog ang tanker.
Ang oil spill sa Guimaras ang itinuturing na pinaka-worst na nangyari sa bansa. Kaya naman nag-hihigpit na ngayon sa mga barkong may lamang hazardous chemicals. Nagising ang mga awtori- dad dahil sa oil spill. Ang tanong ay hanggang kailan ang paghihigpit.
Isa ring malaking katanungan kung may kahihinatnan ng imbestigasyon sa nangyaring oil spill. Hanggang saan aabot gayong nagkakanyang turuan ang mga sangkot.