Panaginip
September 17, 2006 | 12:00am
Minsay nakita kong akoy naglalakad -
Sa isang pasilyong may hagdang pataas
Sa pasilyong iyon ay may pintong bukas
Kaya pinasok kot akoy nakimatyag!
Pinasok na kwarto ay silid-aralan
Ang mga narooy pawang mag-aaral;
Sa unahang silyay aking napagmasdan
Ang magandang mukha ng mutyang marangal!
Pagkatapos noon ay aking nakita
Ang maayang mukha ng isang dalaga;
Siya ay maputit magandang-maganda
Kaya ang puso koy pumitlag, sumigla!
At kitang-kita ko ang mutyay lumapit
Na sa isang kamay may dalang kamatis;
Masarap na bunga ay kanyang niligis -
Sa mga labi kong nag-amoy matamis!
Pangatlong eksena ay aking napansin
Ang magandang dilag lumapit sa akin;
Nang siyay malapit akoy napatikhim
Sa lakas ng tikhim ko ay nagising!
Tatlong pangitaiy panaginip pala
At ang mukhang yaoy sa aking asawa;
Kaya sa nangyari ako ay nagtaka
Bakit nanaginip ng napakaganda?
Ah seguroy kaya gayun ang nangyari
Si Misis lagi nang sa kiy nakangiti;
Kapag kumakain - natutulog kami
Ang mukha ni Misis ang laging katabi!
Kaya nga totoo yaong haka-haka
Na ang panaginip kung gabing mahaba;
Ang huling nakita bago ka nahiga
Ay makikita mo sa iyong gunita!
At ang panaginip - totoo mat hindi
Ay kakambal pa rin ng taong may budhi;
Kung ikaw ay taong walang minimithi
Walang panaginp na biglang sasagi!
Sa isang pasilyong may hagdang pataas
Sa pasilyong iyon ay may pintong bukas
Kaya pinasok kot akoy nakimatyag!
Pinasok na kwarto ay silid-aralan
Ang mga narooy pawang mag-aaral;
Sa unahang silyay aking napagmasdan
Ang magandang mukha ng mutyang marangal!
Pagkatapos noon ay aking nakita
Ang maayang mukha ng isang dalaga;
Siya ay maputit magandang-maganda
Kaya ang puso koy pumitlag, sumigla!
At kitang-kita ko ang mutyay lumapit
Na sa isang kamay may dalang kamatis;
Masarap na bunga ay kanyang niligis -
Sa mga labi kong nag-amoy matamis!
Pangatlong eksena ay aking napansin
Ang magandang dilag lumapit sa akin;
Nang siyay malapit akoy napatikhim
Sa lakas ng tikhim ko ay nagising!
Tatlong pangitaiy panaginip pala
At ang mukhang yaoy sa aking asawa;
Kaya sa nangyari ako ay nagtaka
Bakit nanaginip ng napakaganda?
Ah seguroy kaya gayun ang nangyari
Si Misis lagi nang sa kiy nakangiti;
Kapag kumakain - natutulog kami
Ang mukha ni Misis ang laging katabi!
Kaya nga totoo yaong haka-haka
Na ang panaginip kung gabing mahaba;
Ang huling nakita bago ka nahiga
Ay makikita mo sa iyong gunita!
At ang panaginip - totoo mat hindi
Ay kakambal pa rin ng taong may budhi;
Kung ikaw ay taong walang minimithi
Walang panaginp na biglang sasagi!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended