Sobrang pagbibilad sa araw delikadong magka-cancer sa balat
September 17, 2006 | 12:00am
MARAMI ang nagtatanong tungkol sa cancer sa balat at kung ano ang dahilan at nagkakaroon nito. Kagaya ng sulat na galing kay Mrs. Santiago ng Makati City. Tanong niya, ano raw ang tinatawag na ultraviolet rays na karaniwang sinasangkot sa pagkakaroon ng cancer sa balat.
Maraming salamat sa pagtangkilik mo sa aking column, Mrs. Santiago. Ang araw ay may ultraviolet rays at masama sa balat ang sobrang pagkabilad dito. Marami ang hindi nakababatid na ang sikat ng araw sa dakong tanghali o hapon ay masama at ito ang kadalasang pinagmumulan ng cancer sa balat.
Ang sikat ng araw sa umaga ay may hatid na benepisyo sa katawan subalit hindi ang sikat sa tanghali o hapon. Magkaganoon man, kahit na isinisisi sa ultraviolet rays ng araw ang pagkakaroon ng cancer sa balat, mabibilang pa rin naman ang nagkakaroon nito sa kasalukuyan.
May tatlong uri ng cancer sa balat basal cell carcinoma, squamous cell carcinoma at ang malignat melanoma.
Ang basal cell carcinoma at squamous cell carcinoma ay madaling gamutin kung mapapangalagaan nang husto. Hindi ito nagiging dahilan ng kamatayan. Taliwas naman dito ang malignant melanoma na kinakailangang isang mahusay na dermatologist ang gagamot sa may ganitong karamdaman kaysa sa isang oncologist.
Ang maipapayo ko, para maiwasan ang pagkakaroon ng cancer sa balat, iwasan ang labis na pagpapaaraw. Kung hindi maiiwasang magbilad sa araw, magsuot ng pamprotektang damit o yung mahaba ang manggas.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest