^

PSN Opinyon

Editoryal – May kahantungan sana ang Melo Commission

-
NAGSIMULA na ang Melo Commission sa pag-iimbestiga sa mga nangyayaring political killings sa bansa. Ang tanong ay hanggang saan ito aabot at kung merong kahahantungan. Si President Arroyo ang lumikha sa commission dahil sa mga batikos na inaabot niya sa mga nangyayaring pagpatay. Unang ipinatawag ng Melo Commission si Armed Forces chief Gen. Hermogenes Esperon noong Huwebes subalit wala namang nangyari sa kanyang pagharap sa commission. Ang New People’s Army ang binanatan ni Esperon na nasa likod ng pagpatay ng mga aktibista. Isinabmit ni Esperon ang 823 pangalan ng mga sibilyan na pinatay ng NPA. Bukas ay muling dadalo sa Melo Commission si Esperon samantalang sa Martes ay si dating Army Maj. Gen. Jovito Palparan ang magte-testify. Si Palparan ang tinatagurian ng leftists group na "The Butcher". Ito umano ang nasa likod ng mga pagdukot at pagpatay sa mga aktibista. Itinanggi ni Palparan ang akusasyon. Nagretire noong Lunes si Palparan. Umiyak pa siya habang nagtatalumpati. Kasunod ay humingi siya ng tawad sa mga naulila ng napatay.

Binigyan ng taning na 10-buwan ang Melo Commission para lutasin ang mga pagpatay. Sinabi ni retired Supreme Court justice Jose Melo na walang "sacred cows" sa gagawing imbestigasyon. Mananagot sa batas ang mga mapapatunayan.

Ang mga pagpatay sa mga aktibista ay nagpapatuloy at iisa ang estilo sa mga pagpatay. Mayroong mga dinudukot at hindi na natatagpuan, katulad ng dalawang babaing UP students na dinukot sa Bulacan noong June. Ang walang tigil na pagpatay at pagdukot ay nakapagbigay ng pangamba sapagkat tila wala nang kontrol ang pamahalaan sa mga nangyayari.

Sabi ng leftists group, 700 miyembro na nila ang pinatay mula nang maupo si President Arroyo no-ong 2001. Sa report ng Amnesty International, 51 activists ang pinatay mula January hanggang June 2006.

Ayon sa leftists group, mga sundalo ang may kagagawan ng pagpatay. Marami ang umaasa sa Melo Commission na mabibigyan ng hustisya ang mga napatay nilang kamag-anak. Marami ang naniniwalang hindi lalambot ang Melo Commission sa pag-iimbestiga sa mga pagpatay. Mabibigyan ng hustisya ang mga tumimbuwang sa talahiban, damuhan at tabing kalsada na nabutas ang noo at napulbos ang dibdib sa bala.

AMNESTY INTERNATIONAL

ANG NEW PEOPLE

ARMED FORCES

ARMY MAJ

COMMISSION

ESPERON

MELO COMMISSION

PAGPATAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with