^

PSN Opinyon

Palparan nanindigan lang sa prinsipyo

- Al G. Pedroche -
IN fairness sa nagretirong Army Major General Jovito Palparan, ginampanan niya ang kanyang tungkulin sa paglupig ng rebelyong komunismo sa bansa. Sabihin mang malupit ang kanyang estilo, nanindigan siya sa kanyang prinsipyo. Ganyan din kung manindigan ang mga rebeldeng komunista. Handang magbuwis ng buhay at pumatay tama man o mali sa mata ng tao ang kanilang ginagawa. All is fair in love and war, ‘ika nga.

Si Palparan ay binansagang "berdugo" at nangungunang human rights violator ng kanyang mga kalaban pero ganyan talaga ang takbo ng labanan. Alangan namang mag-aleluya pa sa kanya ang kanyang mga sinagasaan sa pagtupad ng kanyang tungkulin.

Kaya di mapigilang mapaiyak ni Palparan sa kanyang huling talumpati bilang mataas na opisyal ng Philippine Army. Sa buong buhay niya sa militar, walang humpay at takot niyang kinalaban ang mga rebeldeng komunista. Ang napala niya ay puro batik sa kanyang pangalan. May matinding banta pa sa kanyang buhay ang mga rebeldeng NPA na nagbaba na ng sentensyang kamatayan sa kanya.

Mahirap kalaban ang komunismo kung ang tanging sandata ay karahasan. Kahit pa sa lehitimong labanan, kapag nakapatay ka, tiyak may sisigaw ng "human rights violations." Aalma ang mga kaanak ng napatay na rebelde at pabubulaanang komunista ang kaanak na napaslang.

The goverment should have learned its lesson by now.
Mapatay mo man ang lahat ng ideyologong komunista, bukas may isisilang pa ring susunod sa kanilang yapak hangga’t umiiral ang kahirapan, kawalan ng hustisya at katiwalian sa pamahalaan.

Bagama’t di dapat isantabi ang tungkulin ng militar sa pagbaka sa komunismo, dapat lalo pang bigyang diin ang pinakamahalagang "economic formula." Sugpuin ang ugat ng komunismo tulad ng poverty para walang rason ang ideyolohiyang ito na igiit ang sarili.

Ang hirap kasi, hindi lubusang makaangat ang kabuhayang pambansa dahil sa talamak na katiwalian sa gobyerno. Ang salaping dapat ilaan sa serbisyo sa taumbayan ay naibubulsa ng mga magnanakaw sa pamahalaan. Ramdam iyan ng tao kaya sila naghihimagsik. At kapag nagsumigaw na ang tao sa pagmamalabis ng pamahalaan, sila’y tatawaging "komunista."

Email me at [email protected]

AALMA

ALANGAN

ARMY MAJOR GENERAL JOVITO PALPARAN

BAGAMA

GANYAN

KANYANG

PHILIPPINE ARMY

SI PALPARAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with