^

PSN Opinyon

Mapanganib sa puso ang migraine

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
ANG mga taong laging sumasakit ang ulo dulot ng migrane ay malaki umano ang panganib na magkasakit sa puso. Sa isang medical bulletin ng American Journal nalathala na nanganganib ang puso ng mga madalas magkaroon ng severe migraine.

Ayon sa mga American researchers, mas marami ang babae kaysa lalaki na dumaranas ng migraine. Karamihan sa mga babae ay umeedad ng 20 hanggang 50 anyos.

Ipinapayo ng mga eksperto na para maiwasan ang severe migraine ay dapat na ayusin ang lifestyle. Iwasan ang pagpupuyat, pagpapalipas ng gutom, paninigarilyo, paglalasing at mga pagkain nang mayaman sa kolesterol.

Sinasabi ng mga eksperto na may kaugnayan din ang migraine sa stroke dulot ng pamumuo ng dugo (blood clot). Ipinapayo nila na dapat na kumunsulta sa doktor para sa tamang prescription. Huwag na huwag mag-self-medicate.

AMERICAN

AMERICAN JOURNAL

AYON

HUWAG

IPINAPAYO

IWASAN

KARAMIHAN

MIGRAINE

SINASABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with