Ang tanong tuloy ng barbero kong si Mang Gustin: "Alam kaya ni Neri ang trabaho ng economic planner?" Hindi natin masisisi ang taumbayan kung magduda sa kakayahan ni Neri. Baka naman "misplaced" siya sa posisyon. Si Neri ay dating hepe ng isang economic department sa Mababang Kapulungan.
Bilang NEDA top-honcho, pangunahing tungkulin ni Neri na ipatupad ang mga flagship economic projects ng administrasyon gaya ng infrastructure developments para ma-engganyo ang mga investors na mamuhunan. Maraming sinayang na oportunidad si Neri. Kasama na riyan ang Overseas Development Assistance ng Japan na biglang inatras dahil bigo ang pamahalaan na maglaan ng counterpart fund sa pagtatayo ng mga kinakailangang infrastructure projects. Suma-total, naunsyami ang pagsulong ng kabuhayan. Ayon mismo sa Asian Development Bank (ADB) ang foreign direct investment sa bansa ay bumagsak sa $319 milyon noong 2003 kumpara sa $1.8 bilyon noong 2002. Kay laking agwat!
Isa sa mga dahilan nito ay ang walang katatagang situwasyong pampulitika at kakulangan ng infrastructure. Tapos, babatikusin pa at sisisihin ni Neri ang mga banko imbes na sisihin ang sarili. Dahil diyan, ang tingin ng world business community sa atin ay "high risk" o peligroso sa pagnenegosyo. Dapat, si Neri mismo ang makaalam na ang dahilan kung bakit mabagal magpautang ang mga banko ay ang kakulangan ng perang dumadaloy sa ekonomiya.
May katuwirang magalit kay Neri ang executive director ng Bankers Association of the Philippines. Unfair na sisihin niya ang mga banko sa mabagal na pag-usad ng kabuhayan. Ni hindi man lang inanyayahan ang mga kinata-wan ng banko sa isang pulong para pag-usapan ang problema, basta na lang siya nag-akusa nang ganyan. Walang dapat sisihin si Neri kundi sarili. Dahil sa pabagu-bagong patakaran sa pamumuhunan, natata- kot ang mga dayuhang ne-gosyante na magnegosyo sa bansa. Pati yung mga tinatawag na "Taipan" na dating namumuhunan sa atin ay dinadala na ang kapital sa ibang bansa dahil sa kapalpakan ng takbo ng ekonomiya.
Email me at alpedroche@philstar.net.ph