^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Mabagal ang imbestigasyon sa nursing exam leakage

-
MABAGAL ang imbestigasyon sa kontrobersiyal na 2006 nursing examination. Mahigit isang buwan na ang nakararaan mula nang pumutok ang kontrobersiya subalit wala pang nakikitang linaw sa kaso. Nag-iimbestiga ang Senado subalit walang kinahahantungan. Ang itinuturong nagpapabagal sa paggalaw ng imbestigasyon ay walang iba kundi ang mga opisyal mismo ng Professional Regulation Commission (PRC). Ayaw dumalo ng mga opisyal ng PRC sa isinasagawang pagdinig.

Marami ang nag-aabang sa resulta ng imbestigasyon. Gustong malaman kung sino ang "utak" sa pagli-leak ng 500 test questions. Unang nabul-gar na sangkot ang ilang may-ari ng review centers sa nasabing leakage. Pero nang isalang sila, pawang pagtuturuan ang nangyari.

Sa pagdinig ng Senado noong August 30, binastos lamang ang mga Senador na nagpatawag ng hearing. Inisnab ng mga opisyal ng PRC na pinangungunahan ni Chairwoman Leonor Tripon-Rosero at mga commissioner na sina Renato Valdecantos at Avelina dela Rea. Nabanas ang Senado at pinagpapaliwanag ang mga nabanggit kung bakit hindi sila dapat ma-contempt sa hindi pagdalo sa hearing. Katwiran naman ng mga PRC officials, sinusunod lamang nila ang nakasaad sa Memorandum Circular 108 na inisyu ni President Arroyo. Nakasaad sa memo ni Arroyo na hindi dapat dumalo sa congressional inquiries ang mga opisyal ng gobyerno. Pero nakapagtataka, dumalo si Chairwoman Rosero sa isang Senate hearing para i-push ang hinihinging P14 million budget para sa PRC.

Ang PRC ay nanindigang hindi dapat magretake ng nursing board exam at pinanumpa pa ang mga nakapasa sa 2006 nursing exam pero ipinatigil ng Supreme Court ang oath-taking. Hindi raw dapat panumpain ang mga nakapasa habang nagsasagawa pa ng imbestigasyon. Kailangang malaman muna kung sino ang nasa likod ng leakage.

Pero paano malalaman kung sino ang "utak" ng leakage kung ang mismong mga opisyal ng PRC ay ayaw makipag-cooperate. Dapat magpursigi pa ang Senado para malaman na ang mga taong nasa likod ng leakage sa nursing exam. Kapag napatunayan, parusahan sila nang mabigat.

CHAIRWOMAN LEONOR TRIPON-ROSERO

CHAIRWOMAN ROSERO

MEMORANDUM CIRCULAR

PERO

PRC

PRESIDENT ARROYO

PROFESSIONAL REGULATION COMMISSION

SENADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with