^

PSN Opinyon

Dalawang trahedya

PILANTIK - PILANTIK Ni Dadong Matinik -
May dalwang trahedyang halos magkasabay
ang sa ating bansa ay biglang humataw;
Ang una’y ang leakage sa nursing exams
pangalawa’y oil spill sa ‘ting karagatan!

Sa nangyaring leakage sa exams ng nurses
‘di na sana ito nag-apoy na titis –
kung mga opisyal at ang authorities
ay hindi nag-ingay —- sila’y nanahimik

Sa ngayo’y maraming mga nars mandin
Waring nahihiya sa tanging gawain;
Marangal man sila’y may batik na itim
Dahil may nandayang kababayan natin!

Kaya ang naganap ay magandang leks’yon
ang anomalya’y di dapat nangamoy;
Ang pagsisiyasat gawing mahinahon
upang di magdusa ang buong propesyon!

Pangalawang trahedya ay ang oil spill
na sa dagat natin masama ang dating;
Mga mangingisda’y di makapamansing
at ang mga isda’y lason pag kinain!

Kung naging maayos paglayag ng barko
itong ating bansa ay hindi nagulo;
Nagdaang tsunami naligtas nga tayo
pero ang oil spill mas matindi ito!

Mga kababayan doon sa Guimaras
at karatig-bayang nasa tabing-dagat
Dahil sa trahedya ngayo’y naghihirap
dapat lang na sila ay tulungan agad!

Dapat na inuna ng mga Marino
at mga kompanya na kasangkot dito
Lumubog na tanker ay iahon ninyo
upang di lumubha ang trahedyang ito!

DAHIL

DAPAT

GUIMARAS

KAYA

LUMUBOG

MARINO

NAGDAANG

PANGALAWANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with