Dahil masarap ang santol pati na nga mga buto nito ay nilulunok pero ipinapayo ng mga doctor na hindi ito dapat lunukin. Makakapinsala ito sa lalamunan at bituka. Dahilan din ito para mahirapan sa pagdumi. Kung may pinsala sa paglunok ng buto ng santol marami rin namang magagan-dang bagay na makukuha sa santol. Mayaman din sa Vitamin B, calcium at carbohydrates ang santol. Ang dagta na galing sa balat at ugat ng santol ay mabuti sa mga nilalagnat.
Alam nyo ba na sa Kabikolan ay ginugulay ang santol. Ganito ang paraan ng paggawa ng ginataang santol o "sinantolan". Tanggalin ang mga buto ng santol. Kudkurin ang laman at pigaing mabuti para matanggal ang asim. Pakuluan ito. Maghanda ng gata ng niyog. Matapos mapakuluan ang kinudkod na santol ay ibuhos ang gata. Napakasarap ng "sinantol" lalo nat ang ulam ay piniritong galunggong. Bagay na bagay ang "sinantol" sa mainit na kanin. Tiyak na gaganahan at pagpapawisan ang sinumang kakain ng "sinantol".
Inihahanda na rin ang "sinantol" sa mga engrandeng okasyon gaya ng kasalan, birthday at fiesta.