Baluktot na katwiran ni PO1 Vega ng Pasig police
September 6, 2006 | 12:00am
NAKATANGGAP ang BITAG ng reklamo sa ginagawang pambubugbog sa dalawang lalaking magbobote at magbabakal sa San Jose, Pasig City.
Reklamo nila Albert Cruz at Ronnie Azuela binugbog sila ng isang pulis Pasig na kinilalang si PO1 Paterno Vega.
Nasagi raw ng kariton ng dalawa ang kanyang motor kayat tumaob ito dahilan para bugbugin ni PO1 Vega ang dalawang pobre.
Hindi pa nakuntento si PO1 Vega, pinakulong pa ang dalawa sa kanyang presinto na agad din nakalabas matapos silang piyansahan ng kanilang amo sa hala- gang P1,500 bawat isa at bilang pinsala sa motor ni PO1 Vega.
Dito kinuha namin ang pahayag ng magaling na pulis. At nang tinawagan ng BITAG si PO1 Vega gaya ng inaasahan hindi siya umamin sa kanyang kasalanan.
Paliwanag pa ni PO1 Vega sa BITAG naghaharutan daw ang dalawa, kung hindi niya pa raw sinita baka hindi pa itatayo ang dalawang motor na nasagi ng dalawa.
Nakuha pang idamay sa kanyang kalokohan ang kanyang hepe na si Insp. Pabay ng Presinto 21 ng Pasig. Binigyan pa raw ng hati ang kanyang hepe sa nakuha niyang bayad ng dalawang magbobote.
Kabaligtaran sa sinasabi ng kanyang hepe na hindi raw siya humingi ng hati sa perang ibinayad ng dalawa kay PO1 Vega.
Dagdag pa ni PO1 Vega hindi raw niya sinaktan ang dalawa at ang lakas pa ng loob na sabihin sa BITAG na baka sinaktan lang ng dalawang nagrereklamo ang kanilang sarili.
PO1 Paterno Vega, akala mo siguro maloloko at basta na lang maniniwala ang BITAG sa mga kuwento mong bulok.
Meron ba namang matinong tao na sasaktan ang kanilang sarili at gagastos ng pang-medical para lang may basehan ang reklamong kanilang idinulog sa aming opisina?
Babala ng BITAG sayo PO1 Paterno Vega alam na namin ang iyong estilong paggawa ng mga baluktot para lamang mapagtakpan ang iyong kalokohan.
Tinututukan ng BITAG ang kaso mo PO1 Paterno Vega at nananawagan pa kami sa iba pang naging biktima mo. Humanda ka na.
Bitag hotline numbers, i-text (0918) 9346417 o tumawag sa mga numerong ito 932-8919/9325310. Manood tuwing Sabado, 9:00-10:00 p.m. IBC-13, BITAG at BAHALA SI BITAG araw-araw 9:00-10:30 ng umaga sa UNTV- 37 sabay na napapakinggan sa DZME 1530 Radyo Uno at napapanood worldwide sa:
WWW.UNTVWEB.COM
Reklamo nila Albert Cruz at Ronnie Azuela binugbog sila ng isang pulis Pasig na kinilalang si PO1 Paterno Vega.
Nasagi raw ng kariton ng dalawa ang kanyang motor kayat tumaob ito dahilan para bugbugin ni PO1 Vega ang dalawang pobre.
Hindi pa nakuntento si PO1 Vega, pinakulong pa ang dalawa sa kanyang presinto na agad din nakalabas matapos silang piyansahan ng kanilang amo sa hala- gang P1,500 bawat isa at bilang pinsala sa motor ni PO1 Vega.
Dito kinuha namin ang pahayag ng magaling na pulis. At nang tinawagan ng BITAG si PO1 Vega gaya ng inaasahan hindi siya umamin sa kanyang kasalanan.
Paliwanag pa ni PO1 Vega sa BITAG naghaharutan daw ang dalawa, kung hindi niya pa raw sinita baka hindi pa itatayo ang dalawang motor na nasagi ng dalawa.
Nakuha pang idamay sa kanyang kalokohan ang kanyang hepe na si Insp. Pabay ng Presinto 21 ng Pasig. Binigyan pa raw ng hati ang kanyang hepe sa nakuha niyang bayad ng dalawang magbobote.
Kabaligtaran sa sinasabi ng kanyang hepe na hindi raw siya humingi ng hati sa perang ibinayad ng dalawa kay PO1 Vega.
Dagdag pa ni PO1 Vega hindi raw niya sinaktan ang dalawa at ang lakas pa ng loob na sabihin sa BITAG na baka sinaktan lang ng dalawang nagrereklamo ang kanilang sarili.
PO1 Paterno Vega, akala mo siguro maloloko at basta na lang maniniwala ang BITAG sa mga kuwento mong bulok.
Meron ba namang matinong tao na sasaktan ang kanilang sarili at gagastos ng pang-medical para lang may basehan ang reklamong kanilang idinulog sa aming opisina?
Babala ng BITAG sayo PO1 Paterno Vega alam na namin ang iyong estilong paggawa ng mga baluktot para lamang mapagtakpan ang iyong kalokohan.
Tinututukan ng BITAG ang kaso mo PO1 Paterno Vega at nananawagan pa kami sa iba pang naging biktima mo. Humanda ka na.
WWW.UNTVWEB.COM
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest