Pekeng abogado, hulog sa BITAG
September 4, 2006 | 12:00am
Ibat ibang klaseng panloloko ang nahulog sa aming BITAG. Karamihan sa kanila naloko ng mga mapagpanggap na dorobo sa lansangan maging sa tanggapan, pribado man o gobyerno.
Karamihan sa kanila ay mga impostor na pulis, traffic enforcer at maging nagpapakilalang BITAG staff ay tinugis ng BITAG matuldukan lamang ang kanilang katarantaduhan.
Tulad na lamang ng lumapit sa bitag nung a-bente ng Agosto sa aming action center na si Aida Grajo.
Inireklamo niya sa BITAG ang isang nagpapakilalang abogado na si Atty. Jorge Escabillas.
Nagpatulong siya kay Atty. Escabillas upang isaayos ang birth certificate ng kanyang anak.
Dito pinagbabayad siya ng halagang P20,000 bilang bayad sa pagproseso at idaan pa ito sa isang hearing.
Agad na kinumpirma ng BITAG sa Bar Confidant ng Supreme Court ang lisensiya ni Escabillas.
Positibo na hindi rehistradong abogado itong si Escabillas.
Agad ikinasa ng BITAG ang entrapment operation sa nagpapakilalang abogado. Nakipag-ugnayan ang BITAG sa Western Police District Special Operations Group o SOG sa pangunguna ni SPO4 Vic Batara.
Sa isang restaurant malapit lamang sa Manila City Hall, isinagawa ang entrapment operation.
Lumalaklak pa ng alak itong si Escabillas, nang makipagkita sa kanyang biktima.
At nang ibinigay ang marked money agad na dinampot si Escabillas patungo sa presinto ng SOG.
Inamin nitong si Escabillas, na hindi siya lisensyado dahil graduate lang siya ng kursong Law.
Hindi titigil ang BITAG na tugisin ang mga "peke " sa ating lipunan. Kung may nalalaman kayong ganitong uring katarantaduhan lumapit agad sa BITAG, kami na ang bahala.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am