Kamay na bakal ni Abarzosa sa 400 ghost policemen
September 3, 2006 | 12:00am
AGARANG aksyon ang isinagawa ni Manila Police District Officer-In-Charge SSupt. Danilo Abarzosa sa naibulgar kong may 400 ghost policemen ang patuloy na sumasahod bagamat hindi sila nagrereport sa kanilang mga unit. Maging si Abarzosa ay nabigla sa naturang isyu.
Kung kayat agad siyang nagbuo ng isang Investigating Committee upang alamin kung sinu-sino ang mga pulis na sangkot at bilang patunay ay sinimulan na ni Abarzosa ang pagrebisa sa mga attendance ng mga kapulisang sakop niya at nagbantang sisibakin niya sa serbisyo sa oras na mapatunayan. Mukhang gagamitin ni Abarzosa ang kamay na bakal upang maparusahan ang mga pulis na tuso upang higit na makamtan ang minimithing hangarin na maging ganap na district director ng MPD. He-he-he!
Sadyang nasa tamang landasin si Manila Mayor Lito Atienza na hirangin si Abarzosa na mamuno sa MPD upang mapatino ang mga kapulisang matagal nang namamayagpag sa kalokohan. May bayag pala si Abarzosa na harapin ang mga minanang problema ng Manilas Finest, he-he-he!
Pinakilos naman ni Abarzosa si Supt. Edgar Danao, hepe ng District Intelligence and Investigation Division (DIID) upang imbestigahan ang ibinulgar ni District 2 Councilor Edward Tan na pangangalawit ng ilang pulis ng Station 7 sa mga negosyanteng Chinese.
At oras na mapatunayang nagkasala ang mga pulis ng Station 7 ay nakahanda na si Abarzosa na sibakin sila sa kanilang serbisyo. Nais lamang patunayan ni Abarzosa na may kakayahan siyang magparusa sa mga pulis na nalilihis na ng landas.
Nakatataba rin ng puso nang personal akong pasalamatan sa mga ibinunyag kong kalokohan ng mga pulis sa ginanap na MPD Press Corps Forum noong nakaraang Huwebes.
Para sa kaalaman nyo mga suki, nag-ugat ang pagbisto ko sa halos 15 porsiyento ng mga kapulisan ay nasa ibang bansa na nagtatrabaho at patuloy ang kanilang sahod. Subalit napag-alaman ko rin na kalahati lamang ang kanilang natatanggap dahil may mga opisyal umano ang nakikinabang. Get nyo. mga suki? He-he-he!
Ayon kasi sa mga nakausap kung mga taga-MPD, kung ang lahat ng pulis na tinutukoy ko ang maidagdag sa deployment sa lansangan makakatiyak na magiging karagdagan sila na mangangalaga sa mamamayan ng Maynila.
Kadalasan kasi sa tuwing may magrereklamong biktima ng holdapan sa mga lansangan ang lagi umanong kasagutan ng mga opisyal ay kulang sila ng tauhan eh iyon palay naka-timbre na ang iba, he-he-he! Pera-pera lang! Get nyo mga suki?
Naway maging makatotohanan na ang aksyon ni Abarzosa at hindi ningas-kugon lamang. Sir, ano itong nasagap kong balita na nagbukasan na naman ang sugalan sa buong lungsod ng Maynila.
Abangan ang kasagutan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended