Summit sagot sa problema ng baha sa Pampanga?
September 1, 2006 | 12:00am
KUMILOS ang multi-sectoral leaders at business community ng Guagua, Pampanga para mabigyang lunas ang mukhang walang solution na flood problem sa kanilang lugar. Panahon na para magsama-sama ang taga-Guagua at magpalitan ng ideya dahil sila mismo ang naapektuhan ng baha at maging sakit na dulot nang hindi masawata na flooding sa kanilang lugar. Hindi dapat kasi, umasa sila sa gobyerno, na tumutulong naman subalit kung minsan ay huli na ang lahat. Kaya ngayong araw na ito (Sept. 1), magkaroon ng first ever na Flood Summit sa Guagua na ang pangunahing usapin ay ang pagbaha hindi lang sa Guagua kundi maging sa kalapit ng mga lugar tulad ng Lubao at Samsuan. Gaganapin ang naturang summit sa Cardinal Santos building ng Immaculate Concepcion Parish sa Guagua.
Ang multi-sectoral leaders ng Pampanga at ang business community ang nasa likod ng summit na sana ay makatulong ng malaki sa mga kababayan natin diyan na nagdurusa ng ilang araw tuwing binabaha ang kanilang lugar. Makikita naman kasi natin sa TV footages kung gaano kalubog sa tubig ang ilang bayan ng Pampanga tuwing tag-ulan.
Itong summit kaya ang kasagutan sa problema ng pagbaha sa Pampanga? Sana!
Ayon kay Konsehal Divine David-Tulio, chairperson ng committee on Health ng Guagua Sangguniang Ba-yan, na ang taun-taon na pagbaha ng kanilang lugar tulad sa business center, market area at ilang barangay ay umaapekto sa economic growth ng kanilang bayan. Inamin din ni David-Tulio na ang pagbaha ay maaari ring maging sanhi ng pagkalat ng sakit tulad ng dengue at iba pa. Kung sabagay, itong dengue ay natsi-check naman ng lokal at provincial health officials bago ito lumala, giit pa ni David-Tulio.
Maliwanag mga suki, na kung may local officials sa isang lugar tulad ni David-Tulio at iba pang masisipag na kaagapay niya, medyo malunas-lunasan ang pighati na dala ng baha sa mga kababayan natin diyan sa Pampanga, he-he-he! Sana dumami ang lahi ni David-Tulio sa hanay ng ating mga publiko na marami diyan dakdak nang dakdak lang sa harap ng mikropono pero wala ring ginagawa sa problemang hinaharap ng kani-kanilang constituents, di ba mga suki?
At siyempre, kapag may pagtitipon ay may bida, ka nga sa pelikula. Sa gaganaping summit sa araw na ito ang mga bida ay walang iba kundi sina Public Works and Highways Secre- tary Hermogenes Ebdane Jr., Sen. Lito Lapid, at anak na si Pampanga Gov. Mark Lapid, Rep. Mikey Arroyo, LMP president at Lubao Mayor Dennis Pineda at ilang ranking national, regio-nal at provincial officials. Ayon kay David-Tulio ang mga inimbitahang umatend ng summit ay ang mga leaders at representatives ng business, reli-gious, transport, academe at iba pang sector ng sociedad natin. Tiyak dudumugin ang summit dahil gustong marinig ng taga-Pampangan kung anu-ano ang kanilang gagawin kapag may baha lalo na sa pag-iwas sa mga sakit tulad ng dengue nga.
Ang magbibigay naman ng briefing sa mga lalahok sa summit ay si Marcelina Ocampo, ang assistant regional director ng DPWH at kasalukuyang maintenance division chief nito na magpapaliwanag ukol sa flood control situa-tion at proposed mitigation measures ng mga flood-prone areas. Abangan!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended