Mas liberal ang pananaw ng United States. Tutal naman daw, ang mga nurses ay kukuha pa ng state board sa Amerika bago tuluyang kunin kaya no problem. Retake lang talaga ang paraan para mabura ang batik sa ating mga nurses.
Pero nagsalita na si Presidente Arroyo sa panuka- lang pakuhanin muli ng licensure exam ang mga ba-gong nurse dahil sa diumanoy pandaraya sa nakara-ang eksaminasyon. Para sa akin, ang pagkakaroon muli ng pagsusulit ang tanging makabubura sa masamang impresyong nilikha sa ating mga narses ng kontrobersyal na licensure exam.
Kung palalampasin na lang ang nangyari, pati yung mga magagaling na narses na nakapasa nang malinis dahil nagsunog ng kilay sa pagre-review ay malalambungan sa "ulap ng pagdududa" lalo na sa pani-ngin ng mga dayuhang employers. This may sound unfair but I think some degree of sacrifice must be taken. Katunayan, may mga nakapasa na payag sumailalim muli sa pagsusulit. May tiwala sila sa kanilang sarili. Iyan ang tamang attitude na sinasaluduhan natin.
Pati ang pagsibak sa mga matataas na opisyal ng Professional Regulations Commission (PRC) ay tinanggihan ng Pangulo. Ayaw daw niyang maparusahan ang mga inosente o walang sala. Dawit o hindi, may tinatawag tayong command responsibility. Kung nalusutan man ang pinuno ng PRC sa pagkakaroon ng leakage ng kinukuwestyong eksaminasyon, itoy repleksyon ng depektibong pamumuno.
Seryoso ang problema at kung walang gagawing totohanang aksyon, masasakripisyo ang integridad hindi lamang ng mga narses kundi maging ng ibang propesyu- nal na nakapapasa sa mga board exams gaya ng mga abogado, doktor, enhinyero at iba pa.
Malamang, lalait-laitin tayo ng ibang bansa. Baka duma- ting ang araw na ang salitang Pilipino ay maging singkahulugan ng "madaya."
Email me at: alpedroche@philstar.net.ph.