Ang mga sintomas ng tigda ay ubo, sipon, lagnat, nagluluha at namumulang mga mata. Tatlo hanggang limang araw mamumula ang mga mata at dumarami ang mga rashes sa mukha at buong katawan. Sa ika-anim na araw ay mawawala na ang mga rashes at magsisimulang mabakbak ang balat.
Parating punasan ng bimpo para maginhawahan ang may tigdas. Suutan sila ng manipis na damit at huwag kumutan ng makapal na tela. Laging painumin ng tubig at nang hindi matuyuan ng pawis. Pagpahingahing mabuti at iwasang mabinat. Huwag munang papasukin sa school para hindi mahawa ang kanyang mga kaklase.
Pabakunahan ang sanggol pagsapit ng siyam na buwan. Kung wala pang bakuna ang mga batang may isa hanggang limang taong gulang pabakunahan sila. Libre ang bakuna sa tigdas sa health centers.