Credit grabber ang BOC
August 29, 2006 | 12:00am
NAG-IIYAKAN ang mga taga-MIAA Intelligence group na nagtiyaga, nagpahinog at lumuto kasama ang PDEA agents para makalawit ang tatlong gagong Taiwanese national drug courier regarding sa US$1 million worth ng Ketamine pero ang Bureau of Customs lamang ang kumain. Sabi nga, naging masiba!
Noon pang August 11, 2006 natanggap ng PDEA at MIAA Intelligence group ang information thru Interpol from Taiwan na tiktikan sina Lin-Yi-Hsiang, Cheng Fen-Feng at Lin Wu-Hsin kasi maglalabas ito ng illegal drugs papuntang China. Hayun, huli ang mga kolokoy ketamine ang dala na nakapaloob sa siyam na pakete ng powdered drinks tulad ng Ovaltine, Milo at Tang juice.
Tagatlo bitbit ang tatlong kamote nang makuha sa kanila ang illegal drugs. Habang abala ang lahat sa pagsusuri ng illegal drugs ang MIAA intelligence group kasama ang PDEA agents at PNP-ASG ay nasa rampa abala naman sa pagbusisi ng mga bagahe ng Macau Airlines flight NX-851 dahil baka may mga droga pa na i-check-in ang grupo ng tatlong kamote.
Iniimbestigahang mabuti ng MIAA intelligence group kung sinu-sino ang umeskort sa tatlong gago papasok ng NAIA complex dahil may mga agam-agam na may kasama raw silang taga-embahada nang dumating sa paliparan. Sabi nga, kung totoo ang tsismis.
Sangkaterba ang nagtataka dahil si BOC Commissioner Boy Morales ang naka-front page sa kodakang naganap noong Sabado samantalang hindi naman mga tauhan nito ang nag-work sa information. Bakit nga ba?
Ang papel lang ng taga-Customs ng mga oras na iyon ay buksan ang bagahe ng Trio Los Bobos dahil ang una ang may karapatang mangalkal o magbukas ng mga bagahe ng pasahero. Ika nga, wala nang iba!
Pero ang siste, ang Bureau of Customs ngayon ang mabango sa madlang people dahil parang sila ang may trabaho ng illegal drugs.
"Hindi na nga sumama sa kodakan sa diyaryo ang tatlong bida sa MIAA dahil alam nilang information ito ng INTERPOL from Taiwan kaya sa kanila okay na ang makasama ang mga tauhan nila sa paghuli ng mga gagong drug courier," sabi ng kuwagong magtatahong.
"Sana sa susunod ibigay ang kredito sa mga taong nagtiyaga, nagpahinog at nagluto ng positibong operasyon para hindi naman magmukhang timawa ang mga tunay na nag-hotraba todits," sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest