^

PSN Opinyon

Balik-tanaw sa Malacañang Clinic

DOKTORA NG MASA - DOKTORA NG MASA Ni Sen. Loi Ejercito Estrada -
NOONG nakaraang Augusto 23, dinalaw ko ang Malacañang Clinic bunsod na rin ng aking pagnanais na malaman ang umiiral na kondisyon sa naturang pagamutan matapos ang balitang binabalak itong ipasara ng mga kasalukuyang nakatira sa Malacañang.

Mabuti naman at tila nabalik sa kanilang huwisyo ang mga awtoridad at nakinig sa aking protesta na huwag ituloy ang naturang balakin na pagsasara at paglilipat ng serbisyo ng Malacañang Clinic sa kampo ng Presidential Security Group. Kung nangyari ito, libu-libo sana sa ating mga mahihirap na kababayan ang nawalan ng pagkakataong makitikim ng libreng serbisyong medikal na ipinagkakaloob ng Malacañang Clinic.

Partikular na malapit sa aking puso ang may 15 dialysis machine sa naturang klinika na pinagsikapan kong mailagay doon upang makapagbigay ng libreng serbisyo sa hanay ng mga kapuspalad nating mga kababayan noong si Pangulong Erap pa ang nanunungkulan sa Malacañang.

Bilang medical practitioner at matagal na kaagapay ni Pangulong Erap sa pag-angat ng kabuhayan at pagtitiyak ng kalusugan ng ating mga kababayan, mayroon akong first hand experience kung gaano kabigat sa bulsa ng mga mahihirap ang pambayad para sa isang dialysis session. Sabihin pa, napipilitan ang mga mahihirap na ipambayad sa dialysis session (P3,000 pataas) ang perang dapat sana ay pambili ng pagkain ng kanilang pamilya.

Sa pagdalaw ko sa klinika, may panghihinayang na nagbalik sa aking isipan ang ilang magagandang plano na dapat sana ay naipatupad na ng administrasyong Estrada kung hindi nga lamang sapilitan at ilegal siyang tinanggal sa puwesto ng kanyang mga kalaban sa pulitika may anim na taon na ngayon ang nakararaan.

Sa kaalaman ng ating mga kababayan, dapat sana sa panahong ito ay mayroon nang mga dialysis machine sa bawat regional, provincial at government run hospital sa buong bansa na libreng magagamit ng mga mahihirap. Ito ay kasabay ng programang pagpapababa sa mga presyo ng gamot at mga programang pangkabuhayan ni Pangulong Erap upang matiyak na malusog at masagana ang kalagayan ng mga Pilipino.

Hindi man nabigyang katuparan ang mga balaking ito sa ngayon, umaasa pa rin ako, sa patnubay ng Poong Lumikha, na ang lahat ay magkakaroon din ng katuparan sa tamang panahon.
* * *
Ang Doktora Ng Masa ay handang magbigay ng serbisyo publiko. Maari kayong mag email sa: [email protected] o magpadala ng liham sa aking tanggapan sa Room 209, GSIS Building, Senate of the Philippines, CCP Compound, Pasay City.

ANG DOKTORA NG MASA

AUGUSTO

MALACA

PANGULONG ERAP

PASAY CITY

POONG LUMIKHA

PRESIDENTIAL SECURITY GROUP

SENATE OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with