^

PSN Opinyon

People’s initiative desisyonan agad

SAPOL - Jarius Bondoc -
KAMPI o kontra ka man sa People’s Initiative ng Sigaw ng Bayan, hangad mo malaman ang mabilisang resolusyon nito.

Kung kampi ka, nais mong itaguyod agad ng Comelec ang petisyong bumago sa parliamentary government. Hindi naman agad magbabago ng anyo: dadaan pa ‘yan sa plebisito kung saan ang proposisyon ng 10 milyon lumagda (25% ng botante) ay pagpapasyan ng lahat. Ipinamalas n’yo ang pinaka-mataas na anyo ng demokrasya – ang direktang paglahok ng mamamayan sa pagbabago, hindi sa pamamagitan ng mga representatibo sa constituent assembly o constitutional convention. Kaya nais n’yo lang na ipalathala ng Comelec ang panukala n’yo sa pahayagan sa loob ng dalawang linggo, at i-schedule na ang plebisito.

Kung kontra ka, nais mo naman ibasura ng Comelec ang petisyon. Argumento mo, may permanent injunction sa kanila ang Korte Suprema mula pa 1997. Ito’y nang ideklara ng Korte, una sa botong 8-6 at tapos ay 6-6, na hindi sapat ang Initiative and Recall Law para sa pagpapanukala ng amyenda sa Konstitusyon. Kung hindi ka elitista tulad ng STOP Cha-Cha na naging TANGO na naging One Voice, hindi mo ituturing na bobo at bayaran lahat ng 10 milyon pumirma sa parliamentary shift. Irerespeto mo sila pero igigiit mo rin ang importansiya ng batas at pasya ng Korte.

Maaring hindi sa Comelec kundi sa Korte ang huling pagtutuos. Kung hindi umakto ang Comelec, sa Korte ang bakbakan kung magbabago o patitigasan ang 1997 decision.

Kung kampi ka sa People’s Initiative, hahangarin mo na manaig ang respeto sa mamamayan. Retirado na ang mga bumoto nu’ng 1997, maliban kina Chief Justice Art Panganiban at Justice Reynato Puno. Dahil pawa sila kontra sa majority decision noon, isip mo na kukumbinsihin nila ang mga baguhang mahistrado na umayon sa kanila. Pag-asa mong manalo ngayon.

Kung kontra ka, igigiit mo naman na lumabis ang PI sa isang paksa ng amyenda. Huwag ka lang mag-asal elitista, maghihintay ka ng pasya ng Korte Suprema. Aasa kang argumento mo ang panigan nila.

vuukle comment

AASA

CHIEF JUSTICE ART PANGANIBAN

COMELEC

INITIATIVE AND RECALL LAW

JUSTICE REYNATO PUNO

KORTE

KORTE SUPREMA

KUNG

ONE VOICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with