Menor-de-edad na Canadian Citizen ni-rescue sa isang tomboy sa Tagaytay, hulog sa Bitag
August 28, 2006 | 12:00am
Hindi estilo ng BITAG ang makialam sa anumang per-sonal na problema lalo na pagdating sa pamilya.
Pero oras na may nakitang kamalian ang BITAG, hindi kami mag-aatubili na panghimasukan ang problema.
Tulad na lamang ng inilapit sa amin ng isang ina upang humingi ng tulong hinggil sa kanyang menor de edad na anak na tinangay ng isang beinte kuwatro anyos na lesbian o tomboy sa Tagaytay City.
Landed Immigrant mula sa Canada ang mag-ina kayat ganun na lamang ang pag-aalala ng ina na si Cindy Cruz dahil anim na buwan lamang sila puwedeng manatili sa bansa.
Dagdag pa ni Cindy, may relasyon daw ang kanyang menor de edad na anak at ang tomboy na suspek.
Dito agad na kumilos pronto ang BITAG at nakipag-ugnayan sa tanggapan ng Department of Social Welfare and Development Region 4.
Sunod na tinungo ng BITAG ang Tagaytay Police at agad na plinano ang gagawing rescue operation.
Pagdating sa bahay ng suspek na tomboy kung saan tinatago ang menor de edad, naging matensyon ang naganap na pag-rescue.
Nakuha pang pumalag ng tomboy na suspek na si Jaycel Escalante at ng mga kamag-anak nito nang tangkaing isama ng DSWD Region 4 at Tagaytay Police ang menor de edad na anak ni Cindy.
Maging sa presinto ay di napigilan ng inang si Cindy ang kanyang galit sa tomboy maging sa kanyang anak, na mas pinili pang sumama sa tomboy na kasintahan.
Pansamantalang mananatili sa panganga-laga ng DSWD Region 4 ang anak ni Cindy. Samantalang sinampahan ng kasong abduction of minor ang tomboy na si Jaycel.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended