Maaga akong nag-asawa . Di ko natapos ang kinu-kuha kong kursong Fine Arts major in advertising. Gusto kong pumasok sa NMPC bilang artist pero ayaw ng tatay ko. Siya ang direktor at labag sa batas ng serbisyo sibil kung akoy ipupuwesto niya. Nepotism. For a while, nagtiyaga akong mag-voice talent sa mga radio drama at mga patalastas na ipinoprodyus ng NMPC. Nang magretiro ang aking ama, doon pa lang ako nabigyan ng break bilang prop-designer sa tele- bisyon. Si Manong Greg na ang pumirma sa aking appointment. Wala mang television station noon ang NMPC, nagpoprodyus ito ng mga programa na ipinalala-bas sa ibang himpilan. Di nagluwat ay binuksan ng NMPC ang Peoples Television (PTV) 4 na kalaunan ay naging Maharlika Broadcasting.
Ngunit bago nangyari ito, nagbukas ng radio station ang NMPC, ang Voice of the Philippines (VOP) na naging Radyo ng Bayan pagkatapos nung 1986 matapos ang EDSA revolt. Palibhasay ambisyon ko ring maging brodkaster, humingi ako ng pagkakataong magkaroon ng programa sa radyo. Yun na ang umpisa. Naging newswriter at newscaster ako hanggang sa akoy ipa-dala ng NMPC sa Netherlands upang mag-aral ng kursong broadcasting sa Radio Netherlands Training Center. Nasundan pa ng ibang pagsasanay sa ibang bansa na humubog sa akin bilang broadcast journalist bago tuluyang mapadpad sa print media noong 1986 matapos ang EDSA revolution. Bago mapatalsik sa puwesto si Marcos, naging Senior Reporter ako para sa VOP. Kinober ko ang huling pitong taon sa tungkulin ni Presidente Marcos. Dito ako nagkaroon ng oportunidad na sumama sa presidential coverage team sa tuwing maglalakbay sa ibang bansa ang Pangulo.
Hanggang bago siya namatay kamakailan, madalas kaming magkita ni Manong Greg sa ibat ibang okasyon. Minsan, tinapiktapik niya ang balikat ko at sinabing "pasensya na Al at pinabayaan yata kita noon."
"Anong pinabayaan?" sagot ko. "Kung hindi dahil sa iyo ay hindi ako nagkaroon ng break sa media and I couldnt be where I am now" dugtong ko.
Nakakagulat ang kamatayan ni Manong Greg. Sa gulang na 76, malusog siya at walang masamang kondisyon sa puso maliban sa pagkakaroon ng diyabetes. Aktibo rin siyang board member ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB). Noong Biyernes ng umaga, dumanas siya ng cardiac arrest na naging dahilan ng kanyang kamatayan sa Philippine Heart Center na pinagdalhan sa kanya. Mula sa kinalalagakan ng kanyang mga labi sa Funeraria Paz, siya ay dadalhin sa kanyang lupang sinilangan sa San Nicolas Pangasinan upang doon ilibing. Paalam Manong Greg!