^

PSN Opinyon

EDITORYAL - ‘Wag nang tantanan ang Abu Sayyaf!

-
KALAGASAN na ng anim na miyembro ang mga teroristang Abu Sayyaf. Magandang simula para lalo pang paigtingin ang opensiba sa mga salot na nagbibigay ng kaguluhan hindi lamang sa maraming bahagi ng Mindanao kundi pati na rin sa Metro Manila sa pamamagitan ng pambobomba. Naumpisahan na ang pagtugis at hindi na dapat pang itigil para tuluyan nang mapulbos ang teroristang grupo.

Noon pa sanang panahon ni dating President Estrada napulbos ang Sayyaf subalit nagpahinay-hinay ang gobyerno. Nasangkot pa ang ilang government sa isyu ng ransom. Dahil sa nangyari, nakapagpalakas ang grupo at nangidnap pa nang nangidnap. Kung hindi pa umayuda ang mga Amerikanong sundalo ay hindi mapapatay si Abu Sabaya at hindi mahuhuli si Radulan Sahiron at ang iba pang matataas na lider ng grupo. Tanging si Khadafy Janjalani ang madulas at hindi masakote.

Maraming nagnanais na mapulbos na ang naturang grupo. Ang US ay nag-alok na ng reward sa ikadarakip ni Janjalani at maging ang Australia ay sumusuporta sa Pilipinas para mawakasan na ang mga terorista. Maigting ang pagnanais ng Australia na mahuli ang lider ng Abu Sayyaf sapag-kat ito ang kumakalong sa dalawang Indonesian terrorist na umano’y nambomba sa Bali, Indonesia na pawang turistang Australians ang napatay.

Marami ang nakakita na itinatago ng Abu Sayyaf ang mga teroristang sina Omar Patek at Dulmatin. Ang dalawang ito na nagsanay pa sa Afghanistan sa paggawa ng bomba ang itinuturong may kagagawan sa mga pambobomba sa Indonesia. Ang dalawa ay mga miyembro ng Jemaah Islamiyah (JI). Nagsanib ang Sayyaf at JI para magsagawa pa ng mga pambobomba hindi lamang sa Mindanao kundi pati na rin sa Metro Manila.

Ang Abu Sayyaf ang responsible sa pagtatanim ng bomba sa isang barko habang nasa Manila Bay. Marami ang namatay sa pambobomba. Noong February 14, 2005, isang bomba ang itinanim sa bus habang nakahimpil sa Ayala Avenue sa Makati City. Apat ang namatay doon. Ang Sayyaf din ang may kagagawan ng mga pambobomba sa isang sea port sa Gen. Santos City.

Anim na ang nalagas sa mga salot at marami ang matutuwa kung ang lider at lahat ng mga miyembro ng teroristang grupo ay maubos.

vuukle comment

ABU SABAYA

ABU SAYYAF

ANG ABU SAYYAF

ANG SAYYAF

AYALA AVENUE

JEMAAH ISLAMIYAH

KHADAFY JANJALANI

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with