^

PSN Opinyon

Mag-aabuloy pa ba sa Simbahan?

SAPOL - Jarius Bondoc -
TURO sa atin na magbigay nang lubos sa Misa, dahil pang maintenance ito ng Simbahan at pangkain ng mga pari. Maghulog din raw lalo sa kahon ng abuloy, dahil tulong ito sa mahirap. May istorya sa Bibliya ng palalong Pariseo na binibida sa may altar lahat ng umano’y inambag niya, habang sa gilid tahimik na ibinigay ng babaing kapos ang lahat ng laman ng pitaka. Ayon din sa Book of Malachi na kapag nagbigay sa Simbahan, sampung balik ang maaasahan. Kaya hayan, todo-bigay ang mga Pilipino sa kanilang parokya.

May mga kaganapan kamakailan na nagpapa-dalawang-isip sa pag-abuloy sa Simbahan. Nariyan, halimbawa, ang pag-amin ni Magdalo rebel Lt. Lawrence San Juan na sa bahay ni Bishop Antonio Tobias sa Fairview, Quezon City, siya nagtago nang isang buwan, bitbit ang tatlong rifles. Si Tobias din ang umaming umupa ng bahay sa Filinvest Subd. kung saan nagpupulong ang mga Magdalo at komunista para bombahin ang Batasan. Perang Simbahan ang ginamit ni Tobias. Walang pakialam ang marami kung pro- o anti-administration siya. Ang ipinagtataka nila, itinatago ni Tobias ang isang takas sa preso at sumusuporta sa marahas na layunin.

May tatlong obisponng Katoliko rin ang pumirma sa impeachment case kay President Arroyo. Karapatan nila ‘yon bilang mamamayan, anang iba pang obispo. Pagpalagay na, pero ang impeachment ay larong politika, kaya nagsususpetsa ang madla kung ginagasta ang abuloy nila sa away ng mga malalaking politiko.

Nakumpirma nga ang gan’ung pagwaldas sa perang Simbahan nang umamin ang One Voice na pinopondohan sila ng Bishop-Businessmen’s Conference. Maaalalang binisto ni Rep. Rodolfo Antonino ang P252-milyong pondo ng One Voice para siraan ang Charter change ng maralita. Inusisa rin niya kung nagbayad ng 15% donor’s tax ang One Voice. Hayan, lumalabas na ginagamit ang pera ng mga nag-abuloy sa Simbahan upang labanan ang 10 milyong maliliit na taong pumirma para sa pagbabago. Kumbaga, piniprito sila sa sariling mantika.

BISHOP ANTONIO TOBIAS

BOOK OF MALACHI

FILINVEST SUBD

LAWRENCE SAN JUAN

MAGDALO

ONE VOICE

PERANG SIMBAHAN

PRESIDENT ARROYO

QUEZON CITY

SIMBAHAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with