^

PSN Opinyon

EDITORYAL - May marating kaya ang Melo Commission?

-
LINGGU-LINGGO ay may pinapatay na leftist activists. Ang pinakabagong pinatay ay isang peasant leader sa Tandag, Surigao del Sur. Walang awang pinatay si Hermilito Marqueza sa loob mismo ng kanyang bahay ng mga armadong kalalakihan na pinaniniwalaang mga sundalo. Ayon sa human rights group na Karapatan, si Marqueza ang ika-310 activists na pinatay mula noong 2001 na naupo sa puwesto si President Arroyo.

Marami nang batikos na natamo ang Arroyo administration dahil sa walang tigil na pagpatay. Walang magawa ang gobyerno kung paano mapipigilan ang mga pagpatay at nangamba ang ma-rami na malaking bahid sa imahe ng Pilipinas ang walang puknat na pagpatay na ang tinuturong gumawa ay military. Itinatanggi naman ng military na sila ang nasa likod ng mga pagpatay. Noong nakaraang State of the Nation Address (SONA) ni President Arroyo, ipinag-utos niya ang pagpuksa sa mga rebeldeng New People’s Army. Mula nang ipag-utos ang pagpuksa sa mga rebelde, hindi na mapigilan ang kabi-kabilang pamamaslang at mga pagdukot sa mga aktibista. Pati mga babaing nauugnay sa makakaliwang grupo ay dinudukot. Isang halimbawa ay ang dalawang babaing UP students na dinukot sa Bulacan at hindi pa nakikita hanggang ngayon.

Ang walang tigil na pagpatay at pagdukot ang naging dahilan para itatag ni Mrs. Arroyo ang Melo Commission. Ang commission na pinamumunuan ni Supreme Coust Associate Justice Jose Melo ang magsasagawa ng imbestigasyon sa mga nangyayaring pagpatay sa mga aktibista.

Gayunman, hindi pa man nakapagtatrabaho ang mga miyembro ng Commission ay marami na agad ang bumabatikos dito. Marami ang nagtatanong kung mayroong mararating ang commission o katulad din ng iba pang commission na binuhusan lamang ng pondo pero walang naresolbang kaso.

Ang Melo Commission ay nasa ilalim ng tanggapan ng Presidente. Mga tao ng Presidente ang gagawa ng imbestigasyon. Hindi kaya magkaroon ng whitewash dito? Hindi kaya magkaroon ng hokus-pokus? Hindi rin matatawag na indepen- dent ang Melo Commission sapagkat binuo ng Presidente.

Ganoon pa man, naghihintay ang taumbayan sa magiging resulta ng isasagawang imbesti-gasyon. At sana naman ay mayroon.

ANG MELO COMMISSION

COMMISSION

HERMILITO MARQUEZA

MARAMI

MELO COMMISSION

MRS. ARROYO

NEW PEOPLE

PRESIDENT ARROYO

STATE OF THE NATION ADDRESS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with