Ayon kay Dr. Rene Santos ang mga sintomas ng kolera ay ang pagsusuka, madalas na pagtatae na halos tubig na ang inilalabas at ang mabilis na dehydration o ang pagkawala ng tubig sa katawan. Nangungulubot at natutuyo ang balat at maging ang mga mata ay lumuluwa. Ipinapayo ni Dr. Santos na kapag hindi huminto ang pagtatae, dapat na dalhin na kaagad ang may sakit sa doctor para malapatan ng lunas.
Para maiwasan ang kolera, narito ang ilang tagubilin ni Dr. Rene Santos: Uminom ng malinis na tubig. Hanggat maaari ay pakuluan ang tubig bago inumin. Hugasang mabuti at lutuin ang pagkain.
Takpan ang mga ulam o anumang pagkain para hindi langawin o dapuan ng ibang insekto at kalkalin ng daga. Iwasan ang mga pagkaing binibili sa bangketa kabilang na ang "sa malamig" na inumin na hindi alam kung malinis ang ginagamit na tubig. Maging maingat sa paggamit ng palikuran. Linising mabuti ang mga toilet facilities. Sabuning mabuti at banlawan ang mga kamay bago at matapos kumain at mag-CR.
Ugaliin magkaroon ng malinis na kapaligiran at dugtong pa niDr. Rene Santos na importante ang clean and healthy environment.