^

PSN Opinyon

Mag-ingat sa kolera

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
VIBRIO CHOLORAE BACTERIA ang sanhi ng kolera na nakukuha sa pagkaing marurumi at tubig na kontaminado ng dumi (stools) ng tao.

Ayon kay Dr. Rene Santos ang mga sintomas ng kolera ay ang pagsusuka, madalas na pagtatae na halos tubig na ang inilalabas at ang mabilis na dehydration o ang pagkawala ng tubig sa katawan. Nangungulubot at natutuyo ang balat at maging ang mga mata ay lumuluwa. Ipinapayo ni Dr. Santos na kapag hindi huminto ang pagtatae, dapat na dalhin na kaagad ang may sakit sa doctor para malapatan ng lunas.

Para maiwasan ang kolera, narito ang ilang tagubilin ni Dr. Rene Santos: Uminom ng malinis na tubig. Hangga’t maaari ay pakuluan ang tubig bago inumin. Hugasang mabuti at lutuin ang pagkain.

Takpan ang mga ulam o anumang pagkain para hindi langawin o dapuan ng ibang insekto at kalkalin ng daga. Iwasan ang mga pagkaing binibili sa bangketa kabilang na ang "sa malamig" na inumin na hindi alam kung malinis ang ginagamit na tubig. Maging maingat sa paggamit ng palikuran. Linising mabuti ang mga toilet facilities. Sabuning mabuti at banlawan ang mga kamay bago at matapos kumain at mag-CR.

Ugaliin magkaroon ng malinis na kapaligiran at dugtong pa niDr. Rene Santos na importante ang clean and healthy environment.

AYON

DR. RENE SANTOS

DR. SANTOS

HANGGA

HUGASANG

IPINAPAYO

IWASAN

LINISING

RENE SANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with