Pero panandalian lang itong kalungkutan ni Yakusa. Usap-usapan sa MPD na may taga-CIDG at mga alipores niya na naglalakad sa ngayon para makopo o mapalitan kaagad si Robles ng financier ng sakla na si Ely Mango ng Malabon. Sa lahat ng sakla financier sa Metro Manila, itong si Ely Mango ang napupusuan ng taga-CIDG. Ewan ko lang kung may alam dito si Lito o Bombay. Kaya sa tingin ko, sa isang linggo lang, eh mapupuno na naman ng saklaan ang lahat ng sulok ng Maynila dahil kay Ely Mango. At tiyak, happy na naman si Yakusa at ang mga kolektor ng intelihensiya ng MPD, NCRPO, CIDG, DILG at iba pang unit ng pulisya natin.
Kung sabagay, hindi na sasama ang loob ni Robles niyan dahil itong mga puwesto niya ay inagaw lang niya kay Jose Sengco alyas Pinggoy. Si Pinggoy kasi ay namuhunan na rin sa saklaan sa Divisoria noon subalit nasulot ni Robles dahil tinaasan niya ang lingguhang intelihensiya sa mga alaga niya sa NCRPO at CIDG. Alam yan nina Pandak at Arnold. Pero itong sina Pandak at Arnold ay nakagarahe sa ngayon dahil sa bistado na ng mga amo nila ang panghaharabas nila sa kalye. Nang bitiwan niya ang saklaan sa Divisoria, halos P500,000 na rin ang nawala sa kaban ni Sengco alyas Pinggoy. Pero tulad ni Yakusa, hindi rin tumagal ang kalungkutan ni Pinggoy. Sa ngayon kasi, itong si Pinggoy na ang kapitalista ng saklang puwesto piho at sakla patay sa Valenzuela City. Si Sengco ay taga-Navotas pero mukhang mala-kas ang kapit niya sa City Hall ng Valenzuela City. Kaya pala nasu- lot itong si Pinggoy sa Divisoria, eh ganun din ang gawain niya. Sa Valenzuela City naman, ang sinulot ni Sengco ay itong sina Backy Melencio at Rey Garda, na ang laban ay leegan o bangkang patyo. Ang ibig sabihin niyan mga suki dayaan itong bangka nina Melencio at Garda na kahit ano pa ang gagawin ng mga mananaya ay wala silang panalo. At babantayan natin mga suki kung anong klaseng gimik naman meron itong si Sengco o Pinggoy. Susundan kaya ni Pinggoy ang yapak nina Melencio at Garda?
Abangan.