^

PSN Opinyon

Energy Officials di pa lusot sa Masinloc

- Al G. Pedroche -
PINAKANSELA na ng Power Sector Assets and Liabilities Management (PSALM) ang kontrobersyal na kontrata sa pagbebenta ng Masinloc Coal-Fired Power Plant sa Zambales sa isang Malaysian firm. Ginawa iyan matapos matuklasan ng Kongreso na ang kontrata’y puno ng anomalya. May dapat pa ring panagutan ang ilang energy officials dahil may ebidensyang natuklasan laban sa kanila. Hindi simpleng kanselasyon ng kontrata ang dapat mangyari. Panagutin ang dapat managot.

Iyan ang assessment ng isang fact-finding team ng Ombudsman na itinalaga upang siyasatin ang anomalya at tukuyin ang responsibilidad ng mga opisyal.This is aside from the P10 million PSALM officials granted themselves.

Pinagpapaliwanag ng mga tagasiyasat ng Ombudsman ang mga PSALM officials sa pangunguna ni NEDA Director General Romulo Neri kaugnay ng mga kasong isinampa ng mga mambabatas ng Bayan Muna na nagbansag sa Masinloc deal na "biggest swindle" sa kasaysayan ng Pilipinas. Ewan ko kung paano magpapaliwanag ang mga opisyal na ito para hindi sila makasuhan. Ang siste, hangga ngayo’y wala pang ginagawang paliwanag ang mga opisyal sa kabila ng mga summons na ipinadala sa kanila. Parang binabalewala ang pagsisiyasat. Ito ba ang tinatawag na silence is a sign of guilt?

Malinaw ang kaso. Nilabag ng PSALM at ng Energy regulatory Commission and bidding rules kaugnay ng pagbebenta ng Masinloc sa isang kompanyang Malaysian sa pamamagitan ng "dummy" nito, ang YNN Pacific Consortium na kulang sa kapital. Ilang linggo na ang nakaraan, natapos na ng magkasanib na komisyon ng Kamara de Representante at Senado ang imbestigasyon nito. Ang rekomendasyon, ikansela ang kontrata. Naging "mockery" o pag-alipusta sa reglamento sa bidding ang bentahan. Ayon sa Joint Congressional Power Commission, ang kontrobersya sa Masinloc ay nagpapakita na kayang labagin ng pamahalaan ang sariling regulasyon para masiyahan ang isang kinikilingang concessionaire. Ayon kay Sen. Aquilino Pimentel, walang kakayahan ang PSALM na ituwid ang problema. Bagkus, pinaboran nito ang isang kahinahinalang kompanya gaya ng YNN na lumalabas na middleman lang para sa mas malaking bentahan sa kompanyang Malaysian.

Oo nga naman. Bakit pa may bidding rules kung hindi susundin. Ang regulasyong ito’y binuo para maiwasan ang tinatawag na favoritism na pinag-uugatan ng corruption. Iyan ay isang bigwas at matinding batik para pagdudahan ng madla ang sinseridad ng administrasyon sa pagsugpo sa katiwalian. Malaking katanungan hangga ngayon na sa kabila ng maraming kuwalipikadong bidders, ini-award sa YNN ang kontrata gayung ang kapital nito ay wala pang isang milyong piso. Ang lohikal na sagot ay ang koneksyon ng may-ari ng YNN na si Sunny Sun sa mga impluwensyal na tao sa gobyerno. Mahirap paniwalaang walang money involved diyan para labagin ng PSALM ang sarilng regulasyon.

Ang hamon ni Bayan Muna Rep. Teddy Casino sa mga respondents kabilang sina Finance Sec. Margarito Teves, Budget Sec. Rolando Andaya, Energy Sec. Rafael Lotilla, Justice Sec, Raul Gonzalez, NEDA Chief Neri at Undersecs Peter Favila at Nieves Osorio ay sagutin ang charges laban sa kanila para mailapat ang hustisya sa lalong madaling panahon.

Sobra na ang mga sumisingaw na anomalya sa pamahalaan. At least dapat ipakita ng administrasyon na may nalulutas man lang. Kung hindi, lalong mawawalan ng integridad ang administrasyon at hindi na igagalang ng tao.

Email me at: [email protected]

AQUILINO PIMENTEL

AYON

BAYAN MUNA

BAYAN MUNA REP

BUDGET SEC

CHIEF NERI

DIRECTOR GENERAL ROMULO NERI

MASINLOC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with