Ang pamanay Inang Wika
August 20, 2006 | 12:00am
Buwan ng Agosto ay Buwan ng Wika
Bawat araw nito ay gumugunita
Sa isang bayani na biglang nawala
Matapos mag-iwan ng gintong salita!
Ang bayaning itoy dakila ang hangad
Na ang bansa natin ay lumayang ganap;
Boses mataginting ginto ang panulat
Iginalang siya at mahal ng lahat!
Manuel Luis Quezon ang kanyang pangalan
Naging presidente nitong ating bayan;
Malayang Lipunan kanyang inilaban
Sa loob at labas nitong ating bayan!
Hinangad din niyang tayo ay lumaya
Sa mapang-aliping kaaway ng bansa;
Dahilan sa kanyang dakilang adhika
Bansang America nagbigay-tiwala!
Kaya nang magwakas ang mga labanan
Siya ay tinanghal - Pangulo ng bayan;
Pamumuno niyay lubhang iginalang
Kaya lumaganap ang kapayapaan!
Sa mga umpukan at mga okasyon
Laging nangunguna ang tinig ni Quezon;
At sa America nang siyay paroon
Pag-uwi sa bansa lumaya ang nasyon!
Sa buong panahong siya ang pangulo
Sa lahat ng bagay ay sagana tayo;
Tahimik ang bayan at ang lahing ito
Kilalang-kilala sa lahat ng dako!
Siya ang pangulo na ang katangian
Namumukod tangi sa kadakilaan;
Ang kanyang pamanay walang kamatayan
Pagkat Inang Wika na dakilang yaman! ssss
Bawat araw nito ay gumugunita
Sa isang bayani na biglang nawala
Matapos mag-iwan ng gintong salita!
Ang bayaning itoy dakila ang hangad
Na ang bansa natin ay lumayang ganap;
Boses mataginting ginto ang panulat
Iginalang siya at mahal ng lahat!
Manuel Luis Quezon ang kanyang pangalan
Naging presidente nitong ating bayan;
Malayang Lipunan kanyang inilaban
Sa loob at labas nitong ating bayan!
Hinangad din niyang tayo ay lumaya
Sa mapang-aliping kaaway ng bansa;
Dahilan sa kanyang dakilang adhika
Bansang America nagbigay-tiwala!
Kaya nang magwakas ang mga labanan
Siya ay tinanghal - Pangulo ng bayan;
Pamumuno niyay lubhang iginalang
Kaya lumaganap ang kapayapaan!
Sa mga umpukan at mga okasyon
Laging nangunguna ang tinig ni Quezon;
At sa America nang siyay paroon
Pag-uwi sa bansa lumaya ang nasyon!
Sa buong panahong siya ang pangulo
Sa lahat ng bagay ay sagana tayo;
Tahimik ang bayan at ang lahing ito
Kilalang-kilala sa lahat ng dako!
Siya ang pangulo na ang katangian
Namumukod tangi sa kadakilaan;
Ang kanyang pamanay walang kamatayan
Pagkat Inang Wika na dakilang yaman! ssss
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended