Paano makaiiwas sa cancer?
August 20, 2006 | 12:00am
Ang primary prevention ay kinapapalooban ng pagpuksa sa cancer bago pa man ito nagsisimula. Para makontrol ang cancer, maraming factors ang dapat pagtatagumpayan gaya ng pagpapalit ng behavior patterns. Isang halimbawa ay ang pagtigil sa paninigarilyo. Ang paninigarilyo ay isa sa mga dahilan ng cancer sa baga.
May government regulatory agencies na binibigyan ng direktiba para magpatupad na may kaugnayan sa primary prevention. Kabilang diyan ang pagmonitor at pagregulate ng air at water pollution, solid waste, noise, pesticides at radiation hazards. Sa pagregulate ng hazards sa lugar na pinagtatrabahuhan, mahirap para sa mga government agencies na maipagbawal ang produksiyon o ang paggamit ng hazardous chemical subalit ire-require sila na maprotektahan ang mga workers sa exposure nito.
Ang secondary prevention ay ang pagkadiscover sa cancer kung saan ito ay nasa early stage pa lamang at malaki ang posibilidad na magamot sa pamamagitan ng therapy. Ito ay sasailalim sa program ng cancer screening.
Ang tertiary prevention ay ang prevention laban sa bagong cancer kung saan ang pasyente ay nagkaroon na ng cancer noon. Halimbawa, ang isang pasyente na nagkaroon na ng head and neck cancer ay malaki ang panganib na madevelop ang bagong cancer gaya ng cancer sa baga kung siya ay magpapatuloy sa paninigarilyo.
Naniniwala ang mga scientist na 75 percent ng lahat ng cancer ay may kaugnayan sa kasalukuyang lifestyle, diet, paninigarilyo at ang matinding exposure sa init ng araw.
Ayon sa mga scientist 35 percent ng cancer deaths ay may kaugnayan sa diet. Sa mga mauunlad na bansa, tinatayang 40 percent ng mga cancer sa kalalakihan at 60 percent ng mga kababaihan ay may kaugnayan sa faulty diet.
Ang pagkonsumo ng mga pagkaing maraming salitre, pagkaing niluto sa paulit-ulit na ginamit na mantika o cooking oil at ang madalas na pagkain ng mga matataba ay malaki ang panganib na magkaroon ng cancer. Ipinapayo na kumain nang sariwang gulay, prutas at whole grain products. Ang mga ito ay nagsu-supply ng nutrients at iba pang substances na nakahahadlang sa pagkakaroon ng cancer.
(Itutuloy)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended