^

PSN Opinyon

Front lamang ng mga ‘abortionist’ sa Quiapo ang tindang dahun-dahon

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
UMALMA ang sindikato ng mga tinaguriang "abortionist" vendor sa kapaligiran ng Quiapo church, matapos paigtingin ng Manila Police District ang kampanya laban sa mga nagtitinda ng mga herbal medicine (pamparegla) at Cytotec tablets (pampalaglag). Ayon sa aking mga espiya, nagrereklamo umano ang sindikatong madalas na binubulabog ng mga kapulisan sa kanilang mga puwesto kaya para silang langaw na binubugaw, he-he-he! Ano ba ito mga suki? Kung sino pa ang mga illegalista sila pa ang may ganang umangal.

Kinokulektahan umano sila ng ilang tiwaling pulis sa tuwing sila’y nakikitang nagtitinda sa naturang lugar at kung hindi umano sila makapagbigay ng "datung" ay tinutuluyan sila at kinukulong.

Para sa kaalaman n’yo mga suki, ang modus operandi ng mga abortionist vendor sa kapaligiran ng simbahan ng Quiapo ay ganito. Nagtitinda sila ng mga dahun-dahon at herbal medicine para umano panglanggas ng sugat at pampaligo sa mga bagong panganak at mga boteng naglalaman ng mga langis na pampahid sa mga galis at pasma na talaga namang nakakatulong sa mga mahihirap nating mga kababayan na walang kakayahang bumili ng mga mamahaling gamot. Subalit front lamang ito mga suki!

Ang talagang pinagkakakitaan ng mga ito ay ang pagtitinda ng Cytotec pills at syrups na pampalaglag sa pamamagitan ng pabulong na transaksyon sa kanilang mga parukyano. He-he-he! Get’s nyo mga suki?!

Iyan ay ilan lamang sa ibinulong sa akin ng ilang mga sidewalk vendors na nagmamalasakit upang makatulong sa pagsawata sa naturang sindikato dahil maging sila ay nadadamay na rin sa paghihigpit ng mga kapulisan.

At sa panig naman ng kapulisan nakausap ko si Supt. Romulo Sapitula, bagong hepe ng MPD District Investigation and Detection Unit (CIDU). Si Sapitula ang dating hepe ng Police Station 3.

"Ginigiba lamang kami ng sindikato sa aming pinag-igting na kampanya kung kaya’t kung anu-anong paratang ang kanilang ginagawang hakbang upang kami’y siraan," sabi ni Sapitula.

Ang kampanya laban sa mga tinaguri-ang "abortionist" vendors ay alinsunod lamang sa kautusan ni Manila Mayor Lito Atienza na kabilang sa Prolife advocate na sumusuporta sa programa ng Prolife Movement.

Ang paglipol sa mga abortionist vendors ay alinsunod na rin sa kahilingan ng mga madre, kaparian at mga religious group.

Sabi pa ni Sapitula "Mula nang ako’y maging hepe ng Station 3 at sa kasalukuyan ay marami na kaming nahuli sa mga ito at 17 na ang nasampahan na ng kaso sa korte na kinabibilangan nina Celsa Caleso, Gina Santos, Roxanne Reyes, Rowena Alvarez, Mercedita Suarez, Rebecca Galvante, Leah Roldan, Christopher Manalo, Crisanta Ramos, Dina De Jeron, Carmen Miniano, Jenny Gamboa, Nora Mendoza, Elizabeth San Jose, Zeny Santos, Roselie Ylagan at Celia Gumadon."

Sa kasalukuyan nasa holding status ang mga pulis na pinaghihinalaang nangongolekta ng "Tong" upang hindi makaiwas sa masusing imbestigasyon alinsunod sa kautusan ni MPD Officer-in-Charge SSupt. Danilo Abarzosa matapos na mairita sa napabalitang pangongotong.

At upang mapadali ang paglipol sa mga abortionist vendors agad na inatasan ni Abarzosa sina P/Supt. Sapitula at PS-3 Chief P/Supt. Danilo Estapon at ilang unit ng kapulisan ng Maynila na magtulung-tulong sa paghuli sa mga pinaghihinalaang suspek. He-he-he!

Abangan!.

CARMEN MINIANO

CELIA GUMADON

CELSA CALESO

CHIEF P

CHRISTOPHER MANALO

CRISANTA RAMOS

CYTOTEC

SAPITULA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with