99th anniversary ng PGH
August 19, 2006 | 12:00am
GAGANAPIN ngayon sa Philamlife Auditorium, UN Avenue, Maynila, ang isang makabuluhang proyekto kaugnay ng 99th anniverary ng pagkakatatag ng Philippine General Hospital (PGH) na isa na ring landmark sa kasaysayan ng bansa.
Pinamagatang "A Celebration of Service", itoy isang fund-raising event para sa pagpapa-renovate ng PGH operating room na itinataguyod ng PGH Medical Foundation sa pamumuno ni Dr. Greg Alvior Jr.
Ayon kay Ms. Lolita Escobar-Mispuri, ang corporate secretary ng foundation, ilan sa mga naanyayahang magtanghal ay sina Dulce, Pinky Marquez, Jasmine Desiderio, concert pianist Rudolf Galez at ang UP Med Choir, magsisimula ang programa ng 6:30 p.m.
Sinabi ni Ms. Mispuri na malaki ang kailangang malikom sa pagsasaayos ng operating room. Nauna nang na-renovate ng foundation ang PGH Pharmacy, ang matandang gusali sa bukana ng ospital na ngayon ay may makabagong pasilidad at air-conditioned pa.
Matatandaan na isa ang PGH sa beneficiary ng hindi na mabilang na charity undertakings namin ng yumaong Betty Go-Belmonte, founding president ng Pilipino Star NGAYON. Maraming outreach programs kaming ginawa nina Direk Willie Schneider sa PGH na hindi mabilang na mga pasyente ang nabiyayaan. Sa mga bukas-palad para sa fund raising project na ito, maaari ninyong kontakin sina Dr. Alvior at Ms. Lolita Mispuri sa PGH Nurses Home, ground floor, PGH, Taft Avenue, Ermita, Maynila.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended