Ang wastong pagsesepilyo ay nararapat ding malaman ng mga magulang para mapangalagaan ang ngipin ng kanilang mga anak.
Ayon kay Dr. Helen Velasco, ang bata ay dapat na turuang magsepilyo kahit na milk teeth pa lang ang mga ngipin niya. Ang milk teeth ang nagsisilbing pundasyon sa pagtubo ng permanent teeth.
Narito ang mga "pointers" sa wastong pagsesepilyo ayon kay Dr. Velasco:
Sepilyuhin ang labas ng ngipin sa itaas, mula gilagid, pababa.
Sepilyuhin ang labas ng ngipin sa ibaba mula sa gilagid, pataas.
Sepilyuhin ang loob ng ngipin sa itaas, mula gilagid, pababa.
Sepilyuhin ang loob ng ngipin sa ibaba, mula gilagid, pataas.
Sepilyuhin ng paroot parito ang mga bagang, pangkagat o pangnguya, na nasa itaas.
Sepilyuhin ng paroot parito ang mga pangkagat na nasa ibaba.
Sepilyuhin ang dila.
Pagkasepilyo gumamit ng dental floss o malinis na sinulid upang linisin ang pagitan ng mga ngipin.
Sinabi ni Dr. Velasco na dapat na ugaliing magsepilyo matapos kumain. Sa pagsese- pilyo ay nalilinis ang dumi, tinga, mantsa mula sa inuming may kulay gaya ng softdrinks at iba pang pampalamig at maging ang tartar ng mga naninigarilyo. Sinabi niya na sa wastong pagsesepilyo ay maiiwasang mabulok ang ngipin na nagiging sanhi ng bad breath.