Mayor JV tatakbong senador?
August 18, 2006 | 12:00am
TATAKBO bilang senador si San Juan Mayor JV Ejercito sa darating na election. Kaya ko nasabi ito mga suki dahil maraming palatandaan akong nakita para patunayang tatakbo nga sa Senado ang palabang anak ni dating Presidente Erap Estrada. Kung sabagay, maging sa huling survey ng Pulse Asia, hindi lumalabas sa magic 12 si Ejercito na may isang termino pa bilang mayor ng San Juan. Si Ejercito, na anak ni Erap sa aktres na si Guia, ay lumalaro sa ika-8 hanggang 12 sa survey at maganda itong palatandaan para magbalak siyang tumakbo sa Senado.
Hindi lang yan. Lumabas din sa survey na halos pawang opposition ang nasa Magic 12. Nagbigay tuloy ito ng masamang senyales na diskuntento na ang sambayanan kay Presidente Arroyo, di ba mga suki? Kung si Ejercito naman ang tatanungin, mas gusto niyang tapusin ang termino niya sa pagka-mayor bago sumabak sa Senado, he-he-he! Matatanggihan kaya ni Mayor Ejercito ang clamor ng madlang-people sa kanya na tumakbo bilang senador?
Si Mayor Ejercito pala ay napipisil din ni Erap na pumalit sa asawang si Loi sa Senado. Mukha kasing napagod ang senadora sa trabaho sa Senado kayat siya na mismo ang kumusang hindi na hihingi pa ng isa pang termino. Pag nagkataon kasi, aba tatlong kakampi na ni Erap ang nasa Senado at baka gumulo pa, di ba mga suki? At siyempre, susuportahan ni Erap ang kandidatura ng kanyang anak. Alam nyo naman mga suki, malakas pa ang hatak ni Erap lalo na sa hanay ng kanyang mga masusugid na supporters, ang masa nga.
Kahit ayaw pang aminin ni Ejercito na tatakbo siya sa darating na halalan sa Mayo, ang kanyang body language naman ang bumibigay sa kanya. Kaya nasabi ko mga suki na ang lahat ng palatandaan ay nandoon na sa kampo ni Ejercito para magbigay daan para tumakbo siya. Hindi ba bago rin ang public relations officer ni JV?
Kung sabagay, bumango si Ejercito bunga sa mga isyu na ipinararating niya sa gobyerno ni GMA nga. Siya lang ang masasabi kong anak ni Erap na may katangiang progresibo. Malaking papel din ang ginampanan ni Ejercito sa lahat ng pagkilos ng oposition laban sa kampo ni GMA dahil lider din siya ng United Opposition. May impresyon din na palaban si Mayor Ejercito dahil pinalagan niya ang kinikilalang siga ng bansa na si Ilocos Sur Gov. Luis Chavit Singson.
Sa panayam sa media, inamin ni Ejercito na sasakit ang ulo ni GMA kapag nahalal siya sa senado. Ipagpapatuloy daw niya ang mga ginagawa niya sa UNO nga.
Malaki ang paniniwala ni Ejercito na kaya pilit na isinusulong ng Palasyo ang Cha-cha ay para walang elections sa darating na taon bunga sa survey nga ng Pulse Asia na pawang opposition ang lulusot sa Senado. Aba, may punto rito si Mayor Ejercito, ah, di ba mga suki? Kaya kailangang mag-isip muna tayo nang malalim bago payagan o tutulan ang Cha-cha.
Ang tanong ko naman, sino ang tatakbo sa pamilya ni Estrada sa pagka-mayor kapag nilisan ni Ejercito ang puwesto niya? Aba, magandang tanong yan. Sino nga ba? Si Jude kaya o si Jacky? Sa tingin ko naman, si Erap pa rin ang masusunod kung sino ang papalit sa anak nga niya. Bakit hindi na lang ang nanay ni Ejercito na si Guia? Marami kasi ang nagsasabi na patok si Guia kaya lang papayag kaya siya eh alam naman natin na low profile lang siya. Tatakbo kaya bilang mayor si Guia?
Abangan!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended