^

PSN Opinyon

Ano’ng gagawin sa 10-M pirma?

SAPOL - Jarius Bondoc -
LAHAT ginagawa ng naghaharing-uri para maudlot ang kapakanan ng masa. Pumirma ang 10 milyon botante sa people’s initiative para bumago sa parliamentary form. Umaasa silang mananalo sa plebisito. At kung may interim Parliament na, umaasa rin silang ipapasa ang pangalawang yugto ng reporma: Ganap na kalayaan sa pangangalakal at awtonomiya ng lokal.

Tinitira sila ng elitista. Kesyo bobo’t bayaran daw sila: lumagda nang hindi naiintindihan ang usapin dahil pinakain nang konting pansit. Miski 10 milyon sila, wala raw silang boses kumpara sa 80 kasapi ng elitistang One Voice ni Christian Monsod.

Kesyo ilegal daw ang ginawa nilang pagpirma. Dineklara raw kasi ng Korte Suprema nu’ng 1997 na ‘yung People’s Initiative Law ay kulang sa detalye kaya’t hindi puwede gamiting pang-amyenda sa Konstitusyon. Tulad nang sa mga ibang isyu, may posibilidad na baguhin ng Korte ang sarili, pero ngayon pa lang sinisinghal ng One Voice na hindi ‘yon maari.

Tatlong paraan ang pagbago ng Charter: Constitutional convention ng mga halal na delegadong galing sa uring politiko; constituent assembly ng mga nakaupo nang pulitiko, at inisyatiba ng mamamayan. Ang huli ang pinaka-mataas na paggamit sa demokrasya dahil masa na mismo ang kumikilos. At sa people’s initiative na ngang ito, 10 milyon ang pumirma – kumpara sa tig-1 milyon lang na dumalo sa EDSA-1 at EDSA-2.

Simple lang ang hinihingi ng initiative: Pag-usapan at pagbotohan ang pagbago sa parliamentary. Hindi nila ito ipinipilit, kundi inilalahad para i-plebisito. Hindi kaya sila pagbibigyan ng Korte o ng elitista?

Nakakatakot isipin kung ano ang mangyayari kapag hindi dinggin ang hangad ng 10 milyon. Hindi ko sila inaasahang manggugulo. Ayaw ng Pilipino sa karahasan. Ang pinangangamba ko ay kung bastusin ang 10 milyon, magiging ugali sa future na lagi pang bastusin ang masa. Dati nang binusabos ang masa, palalalain pa!
* * *
Abangan: Sapol ni Jarius Bondoc, Sabado 8 a.m., sa DWIZ (882-AM).

ABANGAN

AYAW

CHRISTIAN MONSOD

INITIATIVE LAW

JARIUS BONDOC

KESYO

KORTE

KORTE SUPREMA

ONE VOICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with