EDITORYAL - Serial killings batik sa image ng Pilipinas
August 18, 2006 | 12:00am
SUNUD-SUNOD ang mga nagaganap na pagpatay at ang nangyayaring ito ay inoobserbahan na ng taga-ibang bansa. Sa mga sunud-sunod na pagpatay, hindi malayong tawagin ang Pilipinas na bansa ng "human rights violators". Nagkomento na ang Amnesty International (AI) at maging ang grupo ng Simbahan sa Australia dahil sa mga sunud-sunod na pagpatay na nangyayari sa Pilipinas. Sabi ng AI isang malaking embarassment sa gobyernong Pilipino ang nangyayari sapagkat nagpapakita lamang na hindi sapat ang kalayaan ng mamamayan. Patuloy na nasasakal ang kanilang karapatan lalo na sa political expression.
Sa talaan ng AI, 51 na ang napapatay sa unang semestre ng 2006. Noong nakaraang taon, 66 ang naiulat na napatay. At ang pagdami ng pagpatay sa kasalukuyan ay iniuugnay sa ginawa ni Presi-dent Arroyo na pagdedeklara ng state of emer- gency noong February kung saan may mga dinakip na party list leaders. Nang buwang ding iyon nagkaroon na rin ng matinding kampanya laban sa communist insurgents. Sa nakaraang State of the Nation Address ni President Arroyo, inihayag niya ang pakikipaglaban sa mga rebeldeng New Peoples Army. Naglaan siya ng P1 bilyong pondo.
Habang binabatikos ang mga nangyayaring pagpatay sa mga leftist activist, lalo namang tumitindi ang mga nangyayaring pagdukot at pagpatay at tila wala nang balak huminto ang mga gumagawa nito.
Katibayan dito ang pagpatay noong Miyerkules sa isang lider mangingisda sa Binuangan, Obando, Bulacan. Apat na armadong lalaki na naka-ski masks ang sumalakay kay Orlando Rivera, 40, at pinagbabaril ito dakong ala-una ng madaling araw. Tatlong bala ang pumatay kay Rivera.
Hindi mapigil ang mga pagpatay at lalo pang nadadagdagan. Kamakailan, nagbigay ng taning na 10 linggo si Mrs. Arroyo para malutas ang mga nangyayaring pagpatay. Subalit masisira ang Philippine National Police at iba pang awtoridad sa paglutas sa mga krimen. Hanggang ngayon, wala pang naaaresto sa mga nangyaring pagpatay sa mga aktibista. Naghahanap ng karayom sa tambak ng dayami ang mga awtoridad.
Walang matibay na pamamaraan ang gobyerno kung paano malulutas ang mga nangyayaring krimen sa bansa. Hindi nila maipakita na gumagawa ng hakbang para malutas ang mga nangyayaring pagpatay. Kakahiya ang nangyayaring ito.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended