EDITORYAL Ang walong piso nyo ay hindi masasayang!
August 16, 2006 | 12:00am
SIMULA ngayong araw na ito ay P8.00 na ang Pilipino Star NGAYON. Masakit para sa amin na magtaas pero wala kaming magawa dahil sa mataas ng presyo ng papel, tinta, at iba pang mahahalagang gamit sa pag-iimprenta. Bagamat matagal nang nagtaas ang iba pang tabloids, hindi kami sumabay sa kanila sapagkat alam naming ang karagdagang pisong dudukutin sa bulsa ay masakit na rin. Pero wala nga kaming magawa sapagkat patuloy ang pagtaas ng production cost. Hindi na mapigilan.
Ganoon pa man, pangako namin na hindi masasayang ang inyong P8.00 ibibili sa PSN. Ibabalik namin ang halagang inyong ibibili sa diyaryong ito sa pamamagitan nang lalo pang paglilingkod.
Lalo pa naming pag-iibayuhin ang paghahatid ng mga maiinit, kumpleto at patas na balita para sa inyong kaalaman. Lalo pang magiging maanghang at matapang ang mga kinagigiliwan ninyong kolumnista. Sinisiguro namin na lalo pang magiging kapana-panabik at kaabang-abang at hindi bibitiwan ang mga kuwentong inyong matutunghayan. Hindi rin naman magpapatalo sa init ang mga mababasa ninyong balita tungkol sa mga artista at siyempre mas lalo kayong gaganahan sa mga kapana-panabik na mga balita sa sports.
Bukod sa mga maiinit at kapana-panabik na ihahandog naming nilalaman ng PSN lalo pang paghuhusayin ang malinis, makulay at de-kalidad na printing ng PSN.
Pero hindi pa ang mga iyan ang maituturing naming pinakamagandang bagay na maidudulot sa inyo. Mas lalo pa kayong masisiyahan sa muling paglulunsad ng PSN TRIVIA kung saan ay mga naglalakihang premyo ang nakalaang matatanggap ng mga mananalo.
Sa mga nakaraang PSN TRIVIA, nagbigay na ng house and lot, pampasaherong jeepney at P1 milyon para sa first prize. Bukod diyan ay marami pang premyo ang napapanalunan buwan-buwan ng mga sumasaling readers. Kalabisan nang sabihin na umuulan ng premyo sa PSN TRIVIA. Sa muling paglulunsad ng PSN TRIVIA ay maka-aasa kayo na mas malalaki pa ang mga premyong ipamamahagi ng PSN. Siguradong mas lalo pa kayong masisiyahan.
Hindi masasayang ang P8.00 na ibibili ninyo ng PSN. Sinisiguro namin na ibabalik ito sa inyo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended