Hindi ako boto sa inasal nina Miriam at Imee
August 15, 2006 | 12:00am
HINDI ko malimutan ang naging balitaktakan nina Senadora Miriam Defensor-Santiago at dating Pangulong Fidel V. Ramos may dalawang linggo na ang nakara-raan. Naganap ang balitaktakan sa Joint Congressional Power Commission na nag-iimbestiga sa Masinloc power plant deal.
Walang pigil sa pag-insulto si Miriam kay FVR. Parang ginawang bata ang dating presidente.
Hindi maganda ang inasal ni Miriam lalo pa at dating Presidente ang kanyang kausap. Hindi dapat gawing dahilan na may dating galit si Miriam kay FVR dahil sa nangyari noong 1992 elections. Ibang usapan iyon.
Napaka-pangit din naman ng ginawa o inasal ni Congresswoman Imee Marcos na ipinipilit isa-publiko ang tunay na karamdaman ni President Arroyo. Sinabi ni Imee na hindi dapat na gayahin ni GMA ang ginawa ng kanyang ama na itinago ang sakit sa publiko. Sa palagay ko, isang paraan ito ng destabilization. Gustong ipahiwatig ni Imee na may malubhang sakit na si Arroyo. Mukhang may tinutumbok si Imee.
Nagpaasim ng aking sikmura ang ginawa nina Miriam at Imee. Hindi sila nagbibigay ng magandang halimbawa sa mamamayan lalo sa mga kabataan. Hindi bale kung mga ordinaryong tao sila. Sila ay may mga pinag-aralan at humahawak ng matataas na tungkulin sa pamahalaan.
Sa ginawa ng dalawa ay malalaman na agad kung anong klaseng bansa ang Pilipinas. Ano ang maipalalagay sa bansang siraan nang siraan at walang respetuhan ang mga hinalal ng taumbayan. Sa palagay ko hindi rin rerespetuhin ang bansang ito.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended