^

PSN Opinyon

Si PNP Senior Inspector Erwin Emelo, naman

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
NAGDADALAMHATI ang mga kuwago ng ORA MISMO kabilang ang mga miyembro ng Alyansa ng Filipinong Mamamahayag o AFIMA sa pagkamatay ng aming mga kabaro na sina Hazel Recheta, senior reporter ng ABC-5, Ismael Cabugayan at driver nilang si Ariel Guiao. Nahulog kasi sa bangin ang kanilang sasakyan sa Pamplona, Camarines Sur.

Kaibigan ng mga kuwago ng ORA MISMO si Hazel dahil kabiruan nila ito kapag siya ang itinalagang reporter na magkober ng events sa NAIA. Nanghihinayang ang mga kuwago ng ORA MISMO at kinuha agad ni Lord si Hazel kasama ang dalawa niyang crew.

Sumalangit nawa ang kanilang kaluluwa. Amen!

Ang isyu, kung ang mga civilian ang makikita ng mga kapulisan natin na umiinom ng alak sa gitna ng kalye tiyak sa kalaboso sila pupulutin. Sabi nga, bawal!

Bakit si Emelo sa gitna ng kalye nakikipag-tunggaan sa kanyang mga katulisan este mali kapulisan pala? Naka-uniform pa naman ang iba sa kanyang mga kasamahan. Naku ha?

Ang masama pa isinara ang kahabaan ng Asistio St., at sa harapan mismo ng kanyang presinto nagtotomaan. Sabi nga, tagay mga kosa? He-he-he!

Kaya nairita ang mga residents todits kaya may nag-call sa NAPOLCOM para ipag-gaybi ang impormasyon regarding sa drinking spree. Nasilip tuloy ng NAPOL- COM na dumalo sa tomaan ang bossing ni Emelo na si Caloocan City Chief of Police Senior Superentendent Geronimo Reside kaya naman naggagalaiti sa galit ang una dahil dehins man lang pinagsabihan ang bata niya na bawal ito. Sabi nga, kinunsinti pa!

Dapat ang pamunuan ng PNP ang magpataw sa mga lespung nag-iinuman sa kalye ng parusa para dehins na gayahin pa ng kanilang mga kabaro oras na may mag-birthday sa kanila. Tama ba PNP bossing Oscar Calderon, Sir? Ika nga, lahat!

‘‘Sabi nga ni Senator Fred Lim ‘No one is above the Law’!’’

‘‘Kung lahat sila ay kasama sa inuman sa kal-sada dapat lahat sila parusahan,’’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Ano ang masasabi mo todits NPD bossing Pol Bataoil, Sir?

‘‘Siguro dapat silang ipadala sa Subic para doon sila mag-seminar ng right to drink,’’ nanggagalaiting sabi ng kuwagong Kotong cop.

‘‘Remember kamote kapag ang civilian ang uminom sa gitna ng kalye tiyak himas rehas."

‘‘Kamote, tumpak ka diyan!’’

vuukle comment

ARIEL GUIAO

ASISTIO ST.

CALOOCAN CITY CHIEF OF POLICE SENIOR SUPERENTENDENT GERONIMO RESIDE

CAMARINES SUR

EMELO

FILIPINONG MAMAMAHAYAG

HAZEL RECHETA

ISMAEL CABUGAYAN

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with