^

PSN Opinyon

Ang pagbabalik ng kotongan sa Baywalk

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
INILABAS ng BITAG nung nakaraang buwan ang lihim na nagaganap sa Baywalk, Manila na kung saan ay pinalabas pa ang isang program ng isnag malaking network na umalma ang BITAG.

Ang lihim na pangongotong sa mga bumibisita sa Baywalk sa mga nahuhuling nag-iinuman sa lugar dahil daw sa may ordinansang ipinatutupad ang Maynila.

Dahil sa ginawang patibong ng BITAG na sadyang nagpahuli ang mga BITAG undercover naipakita ng BITAG ang kabuuang estilo at kung paano nagaganap ang mga raket ng pulis na nakatalaga sa lugar.

Na kung saan ay humantong sa mainit na komprontasyon sa pagitan ng BITAG at ng mga pulis ng Baywalk na nauwi sa pagkaka-relieved ng ilang pulis na sangkot sa pangongotong sa mga pumapasyal sa Baywalk.

Inilapit din ng BITAG ang kasong ito sa tanggapan ni Dino Nable, City administrator ng Manila at napagkasunduan na pansamantalang ititigil ang panghuhuli sa mga lalabag sa ordinansang bawal uminom sa pampublikong lugar tulad ng baywalk, hanggat hindi pa nailalagay ang mga palatandaan o signage na bawal uminom sa lugar.

Subalit makalipas lamang ang isang buwan may lumapit na naman sa BITAG at muling inirereklamo ang mga pulis na nakatalaga sa lugar na nangongotong na naman.

Ang estilo walang pinagkaiba sa estilong ginamit ng mga pulis na si Bucad at Crystal tanging ang pagkakaiba lamang ay kahit cell phone ng mga nahuli ay ginawang imprenda para tubusin ng mga nahuling kanilang kokotongan.

At dis-oras ng gabi nakuha pang paghanapin ang mga pobreng walang alam sa ordinansa na paghanapin ng sanlaan para lang masanla ang cell phone ng biktima at ibigay sa kanila.

Katulad ng dating katwiran ng ilang biktima na hindi nila alam na may ordinansang ganun sa Maynila dahil unang pasyal pa lang nila sa lugar, eh paano nga naman nila malalaman hanggang sa ngayon hindi pa naikakabit ang mga signage sa lugar.

Signage sana na magbibigay paalala na bawal mag-inom sa lugar, mukhang napako ang city administrator ng Manila sa kanilang pangako.

Mensahe ng BITAG sa mga pulis na muling gumagawa ng kalokohan diyan sa Baywalk minsan ng nahuli ang inyong mga kabaro sa ganyang gawain, mag-ingat kayo baka ang susunod na huhulihin n’yo ay mga BITAG undercover na pala.

Sigurado matutulad kayo sa mga nangyari sa inyong mga kabaro na nahulog sa BITAG. Kaya’t habang may panahon pa kayong magbago itigil n’yo na ang inyong masamang gawain dahil walang pinipili ang patibong ng BITAG.

BAYWALK

BITAG

BUCAD

DAHIL

DINO NABLE

INILAPIT

KATULAD

LUGAR

MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with