Pambababoy sa Poro Point natuldukan!

ITO palang Bulk Handlers Inc. (BHI) na operator ng Poro Point seaport na dating US military base, ay ginagawang tambakan ng basura at dumi ang San Fernando Bay. Sana’y tuluyan nang matuldukan ang pambababoy ng BHI kasunod ng pagkastigo rito ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na nagpalabas ng cease and desist order laban sa operasyon ng kompanya.

Inireklamo ni San Fernando City Mayor Mary Jane Ortega ang BHI sa DENR na agad nagsagawa ng inspection trip sa Poro Point. Naunang bumuo si Mayor Ortega ng multipartite monitoring group na siyang nagpatunay sa walang habas na pananalahula ng BHI sa karagatan by discharging waste materials that pollute the sea.

Walang waste dumping arrangement na aprobado ng pamahalaang panglungsod ang BHI. Dahil diyan, marami ang nagtataka kung saan napupunta ang dumi mula sa mga barkong dumadaong sa Poro Point. Natural sa San Fernando Bay, saan pa?

Matapos ang masusing inspeksyon ng DENR, napatunayan din na ang BHI ay walang environmental compliance certificate. Dahil diyan, pinatigil ng DENR ang operasyon ng BHI sa Poro Point. Ang nagpapatakbo ngayon ng daungan ay ang Philippine Ports Authority (PPA) para hindi matigil ang serbisyo sa mga port users.

Saludo tayo sa maagap na aksyon ni Mayor Ortega at siyempre sa mabilisang pagtugon ng DENR sa pamumuno ni Sec. Angelo Reyes. Ang ganyang uri ng pang-aabuso na nakapipinsala sa ating kapaligiran ay dapat talagang tuldukan nang mabilisan. Magsilbing leksyon ito sa ibang mga pribadong kompanyang pinagtiwalaang magpatakbo ng mga pasilidad ng gobyerno. Dapat lagi kayong responsable at hindi puro kikitain ang aatupagin.

Matunog na matunog na si Juanita Tan, may-ari ng BHI ay isang strong-willed woman who gets her way no matter what. Malas niya porke nakatagpo siya ng katapat sa katauhan ni Mayor Ortega na may malasakit sa pangangalaga ng kapaligiran. Ang ganyang uri ng pambababoy sa environment ay hindi kailanman kukunsintihin ni Mayor, I’m sure.

Observers say Mrs Tan will try to exhaust all legal remedies to get out of the fix her company is now in, and she is reportedly bent on using all the resources at her disposal. However, it must be said that no amount of legal maneuvers will justify abusing the environment. Ever.

Email me at alpedroche@philstar.net.ph

Show comments