EDITORYAL Mag-ingat: Dengue ay lumalaganap!
August 14, 2006 | 12:00am
NOONG nakaraang taon, mahigit 21,000 ang nabiktima ng dengue. Pinaka-maraming nabiktima sa Northern Mindanao, kung saan umabot sa mahigit 3,000 at 78 dito ang namatay karamihan ay mga bata. Pumapangalawa sa maraming nabiktima ang Central Visayas, ikatlo naman ang Metro Manila at ikaapat ang Central Luzon.
Noong Biyernes, naireport na tatlong bata ang namatay sa dengue sa Sta. Maria, Bulacan. Ayon pa sa report, mula Hunyo hanggang Agosto ng kasalukuyang taon, 58 kaso ng dengue ang naitala sa Sta. Maria. Noong Biyernes din, naireport naman na isang kaso ng dengue ang naitala sa Quezon City. Namatay din ang isang bata.
Ang dengue ay nanggaling sa lamok na Aedes Egypti. Karaniwang tahanan ng Aedes Egypti ang mga nakaistak na tubig sa botelya, plorera, lata at kanal na hindi umaagos ang tubig. Sa araw lamang nangangagat ang babaing lamok na naghahatid ng dengue.
Ang mga sintomas ng dengue ay: Lagnat na tumatagal ng dalawa hanggang pitong araw; pananakit ng kalamnan at kasu-kasuan; panghihina; paglabas ng mga spots sa balat; pagdurugo ng ilong at pagsusuka.
Isa pang sakit na kinatatakutan at lumilitaw kung panahon ng tag-ulan ay ang meningococcemia. Ang meningococcemia ay galing sa bacteria na tinatawag na neisseria meningitides.
Noong nakaraang linggo, marami ang nabahala ng isang estudyante sa New Era University sa Diliman, Quezon City ang namatay dahil sa meningococcemia. Nagpanik sa nasabing eskuwelahan at sinuspinde ang klase. Sinabi naman ng Department of Health na walang dapat ipag-alala ang mga estudyante at ganoon din ang mga magulang sapagkat ang meningococcemia ay hindi agad-agad maita-transmit. Sinabi naman ni DepEd Sec. Jesli Lapus na hindi dapat magpanik ang mga magulang at estudyante. Sinigurado naman ng New Era na malinis ang nasabing eskuwelahan at ligtas ang mga estudyante. Nag-resume na ang klase sa nasabing eskuwelahan.
Ang pananatili ng kalinisan sa loob ng bahay at sa paligid ang mabisang panlaban sa dengue at meningococcemia. Maiiwasan ang mga sakit na ito kung pananatilihing malinis at laging naka-alerto lalo na kung panahon ng tag-ulan. Dapat din namang paigtingin ng DOH ang kanilang kampanya sa mga sakit na ito at ipaabot sa mamamayan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended