^

PSN Opinyon

Malamang na si Chief Supt. Boysie Rosales ang magiging MPD director

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
LUMALAKAS ang tsansa ni Chief Supt. Roberto ‘‘Boysie’’ Rosales na mapiling bagong director ng Manila Police District (MPD) bunga sa pag-endorso sa kanya ng City Council ng Maynila. Maging si Dep. Dir. Gen. Avelino Razon, ang deputy chief for administration (DCA) na dalawang beses na naging MPD chief, ay umaming makakatulong kay Rosales ang manifesto of support ng 20 konsehal sa kanyang kakayahan at liderato.

Sang-ayon kay Razon si NCRPO chief Dir. Vidal Querol. Sabi ni Querol ang endorsement ng mga konsehal ay maaring makatulong para si Boysie na ang pipiliin ni Mayor Lito Atienza para maging bagong MPD director. Kung sabagay, hindi lang ang City council ang nag-iendorso kay Rosales kundi maging ang sektang Iglesia ni Cristo, mga NGO at iba pa. At higit sa lahat, mali naman ’ata ang obserbasyon ng marami na kaya nadi-delay ang pagpili ni Atienza sa bagong MPD director ay dahil sa ayaw niya ng PMAers. Narinig ko na rin ’yan kay Makati Mayor Jojo Binay, di ba mga suki? Si Binay eh oposisyon ’yan, samantalang si Atienza ay sa administration kaya’t wala siyang dapat ikatakot, he-he-he! Kahit sino basta magampanan ang tungkulin.

Kaya kumilos ang City council para iparating kay Atienza na si Rosales ang nababagay sa MPD kung ang pagsugpo sa katiwalian at extortion ang gusto niya. Ayon sa manifesto, masabi na si Rosales ay true-blood Manilenyo dahil ipinanganak ito, lumaki at nag-aral sa Sampaloc. Katunayan, ang nakatatandang kapatid ni Rosales na si Edgar ang siyang chairman sa ngayon ng Bgy. 511, Zone 50 ng Sampaloc. Ang nanay naman ni Rosales ay naninirahan sa San Diego St., kung saan aktibo siya sa simbahan at mga charity works. ‘‘A peaceful and orderly community guarantees progress, with Mayor Atienza’s development in the city, and the many more program he wishes to pursue, a skillful and strong-willed, knowledgeable MPD director is a must to work hand in hand with the local executives to carry out all programs beneficial to all Manilan’s and Rosales has all the credentials and passion to take the job,’’ anang manifesto na pinirmahan ng mga konsehal na sina Alex Co, Cas Sison, Pacifico Laxa, Victorino Melendez, Richard Ibay, Carlos Castaneda, Louie Chua, Honey Lacuna-Pangan, Cita Astals, Irma Alfonso-Juson, Rolando Valeriano, Isko Moreno, Martin Isidro, Arlene Koa, Bernie Ang, Amalia Tolentino, Robert Ortega Jr., Elizabeth Rivera at Danilo Victor Lacuna Jr. Hanep!

Kulang pa ba ang mga pirmang ’yan, ha Mayor Atienza Sir?

Kung sabagay, hindi mapapahiya ang mga konsehal sa pag-endorso kay Rosales dahil sobra-sobra ang mga accomplishment nito. Sa totoo lang, tatlong beses na na-promote meritoriously si Rosales bunga sa sunud-sunod niyang accomplishment tulad ng pagkahuli niya kay Panukulan, Quezon Mayor Ronnie Mitra na nakumpiskahan ng aabot sa 500 kilo ng shabu. Di ba si Rosales din ay binanggit ni President Arroyo sa kanyang SONA speech noong nakaraang taon dahil sa pagtanggi sa milyon na bribe money galing sa mga drug lords? Kaya’t wag kayong magtaka mga suki kung mismong si GMA ang backer ni Rosales na maging MPD director ito. Kung sabagay, si Rosales ay may order na para mag-assume ng MPD post noong Hulyo 30 subalit naudlot dahil sa paninira ng isang retiradong police general na may interes o raket din sa MPD. Sino siya? Itanong n’yo na lang mga suki kay Kim Wong at tiyak kilala siya. Abangan!

ALEX CO

AMALIA TOLENTINO

ARLENE KOA

ATIENZA

AVELINO RAZON

BERNIE ANG

KAY

MPD

ROSALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with