^

PSN Opinyon

Bara-bara parang tanga

AMBA’S BRIEFS - Roy Señeres -
MASYADONG halata na walang malinaw na plano si Mrs. Gloria Arroyo na magiging batayan sana ng lahat ng kanyang pagkilos in connection sa paglikas ng mga kababayan natin na naipit ngayon sa giyera sa Lebanon. Hindi lang yan, parang lumalabas na hindi niya talaga alam kung ano ang dapat gawin na naaayon sa batas, kaya ang dating ay bara-bara lamang ang mga galaw niya at masasabing illegal pa nga.

Ang unang ginawa ni Mrs. Arroyo ay inatasan niya si DFA Undersecretary Esteban Conejos na manguna sa mga pagkilos, ngunit taliwas sa batas ang kanyang ginawa, dahil ang dapat niyang inatasan ay si DFA Secretary Alberto Romulo. Dahil marahil sa kanyang kalituhan, inatasan niya rin si DOLE Secretary Art Brion na manguna at lalo pa nga itong naging taliwas sa batas. Hindi pa yata nakuntento, inatasan niya pa si VP Noli De Castro. Baka inaakala ni Mrs. Arroyo na "the more the merrier" ang trabahong ito, ngunit diyan siya nagkakamali, dahil hindi ito dapat dinadaan sa paramihan.

Pagdating naman sa abroad, inatasan naman niya si Gen. Roy Cimatu na manguna, ngunit ano naman ang magagawa ni Cimatu dahil hindi naman siya totoong ambassador, dahil nga hindi naman siya dumaan sa Commission on Appointments? Ayon sa batas, ang dapat manguna sa loob ng isang host country ay ang tunay na ambassador natin doon, dahil nakasaad yan sa Foreign Service Act. At sa totoo lang hindi naman masyadong makakilos si Cimatu, dahil hindi siya officially recognized ng Lebanese government.

Parang nagpasiklab pa si Mrs. Arroyo nang inutos niyang pumunta sa Lebanon ang dalawang bapor ng Philippine Coast Guard, at parang lumabas pa na napakatalino ang nag-isip ng ganoong idea. Bara-bara nga ang galaw, dahil umatras nga ang mga bapor na ito nang lumabas na napakamahal pala ng gastos. At parang tanga nga ang dating, dahil umatras lamang nang nagulat na sa gastos. Nagdaldal muna bago naisipang magbilang ng pera.

Kung sana ay hindi natataranta at kung sana ay competent siya bilang lider, ang dapat niyang ginawa ay nag-charter na lamang siya ng mga tug boat at ferry boat doon na mismo sa Lebanon, o ’di kaya sa mga malalapit na bansa. Natitiyak kong mas mura yan at hindi lang yan, mas safe at mas mabilis pa. Hindi kaya ang dahilan kung bakit hindi kayang mag-charter si Mrs. Arroyo ay dahil wala naman talagang nakalaan na pera para sa ganitong malakihang evacuation?

Kung sana ay marunong siya ng tamang diplomasya, dapat kinausap niya na lang ang mga Asian airlines tulad ng Singapore Airlines, China Air, at Korean Air Lines na pasakayin ang kahit sinong Pilipino at dito na lang babayaran sa Pilipinas. Hindi ba’t parang common sense nga lang ito at matagal na natin itong ginagawa sa pangalang "pago destino"?
* * *
Tune in to "USAPANG OFW" on DZRH AM radio every Sunday from 10 to 11 AM. E-mail [email protected], text 09187903513, visit my website www.royseneres.com , call 5267522 or 5267515 or visit Our Father’s Coffee.

CHINA AIR

CIMATU

DAHIL

FOREIGN SERVICE ACT

KOREAN AIR LINES

MRS. ARROYO

MRS. GLORIA ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with